Dingdong kakaiba ang regalo sa ina!

Dingdong at Ina

Today, May 9 is Mother’s Day! Isang magandang Mother Day’s gift ang handog ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang inang si Angeline Gonzales-Dantes. Ito ay ang katuparan ng isang childhood dream ni Dingdong ganoon din ng ina, na magkasama sila sa isang commercial.

Three years old pa lamang si Dingdong nang magsimula siyang gumawa ng TV commercials na sa auditions pa lamang ay kasama na niya ang ina at napag-usapan nga nilang sana ay magkasama silang mag-appear sa isang TV advertisement.

Ngayon, after 37 years, natupad ang dream ng mag-ina sa isang brand na matagal na ring endorser si Dingdong: “I am just so proud to not only be sharing the screen with none other than my Mother, but also directing this meaningful project with her for Mother’s Day.  I truly enjoyed being with her in the set but, more importantly, it has been my greatest pleasure to honor her for all that she has done through my passion and craft.  Without a doubt, I am who I am today in front and behind the camera because of her constant motivation, guidance and love.  Happy Mother’s Day, Ma! @angelinedantes.

Today din mapapanood ang TVC nina Dingdong and her mom para sa Ensure Gold.

Alden, balik na sa pagho-host

Ano kaya ang sinasabing special presentation ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa Centerstage ngayong gabi? Muling nagbabalik ang Bida Kids show, after ng three Sundays na nawala sila bilang pag-iingat sa pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa.

Mukhang mas matinding biritan ang magaganap ngayong gabi, na ikatutuwa ng viewers at ng judges ng show na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos at Maestro Mel Villena, at ni Alden wco-host niyang si Betong Sumaya.

 Manatili kayang defending champion ang young ukulele player ng Obando, Bulacan na si Oxy Dolorito?

Nalalapit na rin ang grand champion night ng Centerstage na napapanood tuwing Sunday evening, 7:40 PM.

Julie Anne at David, nagkaka-inlaban na ang hitsura

Kinikilig ang fans at netizen na tagasubaybay ng romance-drama series na Heartful Cafe ng bagong GMA Network’s love team na sina Julie Anne San Jose at David Licauco. Napapansin na raw kasi na hindi na acting ang kilig na ipinapakita nina Julie at David, minsan daw ay parang hindi na scripted ang ginagawa nila.

Kaya ang tanong daw, pwede bang mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan, dahil pareho naman silang single at walang nababalitang bagong boyfriend si Julie after ng break-up nila ni Benjamin Alves years ago. Wala rin namang nababalitang may girlfriend si David. 

Okey lamang ba iyon kay Julie? “Ako, never naman ako naging sarado, I mean, I’m open to any possibilitay naman. And, yes. If there’s a chance, to get to know him more, I mean, why not?”

At mukha namang open din si David, kahit pabiro ang sagot niya: “Ang tagal ko na ngang inaaya si Julie. Nasa sa kanya na lang kung oo o hindi.”

Napapanood ang Heartful Cafe gabi-gabi sa GMA-7 after ng First Yaya.

Show comments