_pang-masa
^
Vice aminadong kinalawang, raket malaki ang nabawas
Vice

Vice aminadong kinalawang, raket malaki ang nabawas

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

Halos ayaw na palang mag-Showtime ni Vice Ganda lalo na nung magkaroon ng surge ang number of positive cases ng may COVID sa bansa.

Pero na-realize niyang kung hindi siya lalabas at hindi na gagawin ang It’s Showtime, hindi na rin magtatrabaho ang kanyang mga kasama sa show. Eh mahal na mahal daw niya ang programa.

At dahil sa takot sa virus, everyday daw talaga, may PCR test sila at hindi lang basta antigen para masigurong hindi sila nahahawa.

Feeling powerless din siya ngayong pandemya dahil bukod sa Diyos wala raw ibang puwedeng kapitan ngayong mga panahong ito. “Dasal ako nang dasal kahit na patawa ako nang patawa lagi, doon na lang ako kumakapit kasi ‘di ka naman makakakapit sa kapwa mo ngayon ‘di ba. Kumapit ka man konti lang mabibigay nila talaga sa ’yong suporta pero ‘yung para maka-survive ka talaga doon lang talaga ako kumakapit (sa Diyos, sa dasa) – ‘yun ang realization ko.”

Anyway, isa taon matapos ma-shutdown ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa at mula nang magka-Covid-19 pandemic sa buong mundo, handa nang sumalang ang Unkabogable star na si Vice Ganda sa digital concert stage.

Sa mediacon kahapon ng kanyang Gandemic: The VGtal Concert na nakatakdang mapanood sa July 17 (9 p.m.) at 18 (11 a.m.) sa ktx.ph, iWanttfc at skycable ppv, inamin ng It’s Showtime host na pinanood muna niya ang virtual concerts ng si­ngers gaya nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo para magkaroon ng ideya sa paggawa nito.

Naurong daw ang streaming date nito mula Mayo dahil sa pabagu-bagong guidelines na inilalabas ng IATF kaugnay ng health at safety protocols.

Sa original plan ay kasama sa list of guests sina Anne Curtis, Moira at sina Ice Seguerra at Jake Zyrus para sa isang LGBT-themed production number na ni-request ni Vice.

Pero dahil sa pagbabago ng concert date, umaasa siya na ok at makakasama pa rin niya ang mga nabanggit na artist.

Si John Prats ang magsisilbing direktor ng Gandemic habang si Marvin Querido naman ang tatayong musical director nito.

Nagpakatotoo naman ang komedyante nang sabihin na ang digital concert ay 90 porsiyentong pagpapatawa at mangilan-ngilan lamang ang musical numbers.

Gusto raw niya at ng Viva big boss na si Vic del Rosario na siguruhing mapapasaya ng Gandemic ang mga manonood. “Gusto ko ’yung tipong for one night, sa span of two hours, makalimutan nila ang mga nangyayari sa paligid. Gusto ko tumawa lang sila nang tumawa,” paliwanag ni Vice na aminadong kinalawang dahil sa tagal na napahinga kaya may pagkakataong hindi siya magkabato ang punchline at nakatunganga lang siya habang nagso-show.

Though sinabi rin naman niyang hindi siya affected financially dahil nakapag-ipon siya pero marami rin daw nawala dahil nga hindi na puwedeng rumaket na ang mga concert tour sa abroad na malaki ang kanyang kinikita.

Anyway, available na ang Gandemic tickets simula ngayong May 8.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with