_pang-masa
^
Jessy, nagbebenta ng lumang bag para makabili ng bago!
Jessy

Jessy, nagbebenta ng lumang bag para makabili ng bago!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

May sari­ling style pala si Jessy Mendiola kapag gusto niyang bumili ng designer bag. Ibinahagi niya ito sa kanyang latest YouTube vlog kasabay ng unboxing ng bago niyang purchase na Louis Vuitton bag.

Ayon kay Jessy, para makabili ng bagong designer bag ay kinailangan niyang magbenta ng luma niyang branded bag.

“Kuripot po talaga ako,” pag-amin niya. “Para makabili ako ng isang bagong bag, I always make sure na I’m letting go of one of my bags in my collection.”

May nagustuhan daw siyang LV bag kaya naman para mabili ito ay nagdesisyon siyang ibenta ang kanyang Chanel wallet-on-chain na hindi naman niya masyadong nagagamit.

“For me, if more than 10 na ‘yung bags mo, it’s just too much. That’s just me, ha, that’s my opinion. Hindi rin talaga ako ma-bag na tao but I like having classic pieces with me in my collection,” she said.

Aniya ay hindi naman daw siya magastos talagang tao but once in a while ay bumibili siya ng gusto niya because she deserves it for working hard.

“I work really hard and I like to reward myself once in a while. I don’t want to come off mayabang naman or I don’t want to come off na magastos. When you work hard, hindi naman necessarily kailangan Louis Vuitton, but alam mo ‘yun, buy something that you really like.

“Kahit ano pang brand ‘yan, kahit ano pang bagay ‘yan – sapatos, bag, cellphone or whatever – na feeling mo, makaka-reward sa hard work mo, then, go ahead, go for it,” ani Jessy.

Payo rin niya na kung may bagong gustong bilhin at mayroon kayong hindi na nagagamit na stuff, ibenta na lang daw ito para hindi na maglalabas ng pera.

“’Yung pera na nakuha mo sa mga bagay na ibinenta mo, ‘yun ‘yung ipapambili mo ng bagong bagay na gusto mo,” sey niya.

Claudine, mapapanood na sa LOL

Balik-showbiz na pala talaga si Claudine Barretto. Mapapanood na siya araw-araw dahil tinanggap niya ang co-hosting job sa Lunch Out Loud sa TV5.

Inanunsyo ni Claudine ang kanyang pagbabalik-telebisyon sa kanyang Instagram page.

Sa video ay makikitang tila nasa dressing room si Claudine at nagsisimula nang mag-taping ng nasabing noontime show.

“I’m now here, co-host dito sa Lunch Out Loud sa Channel 5. So, please watch, abangan n’yo po ito next week, I think,” pagbabalita ni Claudine.

Matagal na ring inaabangan ng kanyang Claudi­nians ang pagbabalik niya sa TV or pelikula. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga ito sa kanyang announcement.

Jennylyn, nag-iba ang hitsurasa maiksing buhok

Ang daming pumuri sa new look ni Jennylyn Mercado. Ipinost niya sa kanyang IG account ang kanyang larawan sporting a shorter hair at aniya sa caption, “from yesterday’s shoot.”

Bumagay kay Jen ang bagong hairstyle at komento ng marami, nagmukha siyang bagets.

Sa mga nagtatanong, may bagong aabangan kay Jen dahil may bagong endorsement ang aktres. Kung ano ito ay confidential pa pero this May na ang launching nito.

Of course, masaya si Jen at ang kanyang manager na si Becky Aguila na sa kabila ng pandemic ay may blessings pa ring dumadating sa aktres.

Sa Facebook account ni tita Becky ay binati niya ang alaga for the new endorsement. “Congrats to our Ultimate Star, Jen Mercado for this new blessing!” pagbabahagi ni tita Becky.

Matatandaang huling napanood si Jen kamakailan sa special episode ng Magpakailanman. May niluluto nang bagong teleserye for her ang GMA 7 at ‘yan ang isa pa sa dapat abangan sa Kapuso Ultimate Star.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with