_pang-masa
^
Pia, proud na may stretch marks at cellulite
Pia

Pia, proud na may stretch marks at cellulite

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

Hindi nahiya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na i-display sa social media ang kanyang stretch marks at cellulite habang naka-bikini ito.

Pinapakita lang ni Queen Pia ang pagmamahal niya sa kanyang natural na katawan at hindi niya kailangan na idaan sa filters or photoshop ang imperfections niya.

“We’re more than a number on a scale, a filter on Instagram, or the opinion of other people. I was a bit hesitant to post this pic ‘cause I’ve been called so many names over the years, but you know what, this body has carried me through life, and I will honor it — cellulites, jiggles and all,” caption pa ni Pia.

Trend ngayon mga kababaihan ang i-post ang kanilang natural and unedited bodies on social media. Empowering daw ang maging kompor­table sa iyong katawan.

Ginawa na ito ng plus-size supermodel na si Ashley Graham, ng singers na sina Lizzo at Demi Lovato at ng mga aktres na sina Reese Witherspoon, Jessica Alba, Alicia Silverstone at Drew Barrymore.

Anak nina Max at Pancho, mag-iisang taon na agad

Ang bilis ng panahon at magwa-one year old na si Baby Skye Ana­kin ng mag-asawang Max Collins at Pancho Magno.

Pinost ni Max sa IG na karga niya si Skye na may caption na: “10 months went by so fast.”

Sinilang via home water birth si Skye noong July 2020. Buntis si Max noong biglang magkaroon ng COVID-19 pandemic na nagpatigil sa buong mundo.

Bukod sa healthy si Baby Skye, naging mai­ngat din sa katawan niya si Max. Pinu-post niya sa IG ang kanyang workout at diet kaya in seven months ay natanggal ang excess baby weight sa katawan niya.

Sa ngayon ay si Pancho muna ang nagtatrabaho sa teleserye na First Yaya. May gagawin naman na teleserye si Max soon with Carla Abellana and Rocco Nacino titled To Have And To Hold. Huling napanood si Max sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

The Nanny star, naka-dalawang dekadang cancer-free na

Nag-celebrate ang The Nanny star na si Fran Drescher dahil 21-years na siyang cancer-free.

Sa isang podcast ay kinuwento niya ang pinagdaanan niyang sakit at ang cancer-free journey niya for two decades.

Sey ng 63-year old comedian: “It’s been an amazing journey and I have learned tremendous life lessons and experienced incredible silver linings as a result of this experience.”

Na-diagnose with uterine cancer si Fran noong June 2000.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with