_pang-masa
^
Sarah at Matteo, may dasal para kay Rabiya
Matteo at Sarah

Sarah at Matteo, may dasal para kay Rabiya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

Ikinatuwa ni Miss Philippines-Universe Rabiya Mateo ang pagwi-wish ng luck ng isa sa mga idol niyang si Sarah Geronimo sa darating na Miss Universe.

Doble pa ang saya ni Rabiya dahil pati si Matteo Guidicelli, nag-wish din ng good luck sa kanya.

Mapapanood sa video sina Sarah at Matteo na kung saan, ipinakilala muna ni Sarah ang asawa at saka sinabing, “To our Miss Universe, Rabiya Mateo, meet my husband, Matteo.”

Sumunod si Matteo at sinabing, “All the best and we are praying for you, roo­ting for you. God bless you and thank you so much for representing the Philippines with all you can.”

Dagdag ni Sarah, “We are very proud of you. Whatever happens, do it for the glory of God... Congratulations in advance. May God grant you wisdom and courage as you represent our country in the Miss Universe pageant.”

Sa May 16 (May 17 in Manila) gaganapin ang Miss Universe sa Florida at kung mananalo, si Rabiya ang magiging panglimang Miss Universe ng Pilipinas.

Si Catriona Gray ang last Pinay na nanalong Miss Universe noong 2018.

Sen. Bong, laging may pakain sa mga katrabaho

Second episode na ng Agimat ng Agila this Saturday, 7:15 p.m., sa GMA 7 kung saan, kasama sa cast si Michelle Dee bilang si Serpenta, isang mystical serpent-like shadow creature who is attracted to power.

First time makatrabaho ni Michelle si Sen. Bong Revilla at natutuwa siya dahil mabait at laging inaalala ang co-stars. Madalas din daw magpakain sa kanila si Bong. Bumilib pa siya sa senador dahil parang barkada lang nila at parang kaedad lang nila. “Mabait siya at galante. Laging may pagkain sa set at lahat kami sa production, para kaming pamilya. Kapag rest day namin sa taping, kasama pa rin namin siya. Ginawa niyang maging close kami sa set,” sabi ni Michelle.

Richard, handa nang lumipad sa Bicol

Kasama na nina Dingdong Dantes, Heart Evangelista, at Michael V si Ri­chard Yap na brand ambassador ng digital TV receiver na GMA Affordabox.

Alam na alam ni Richard ang features ng GMA Affordabox, ang advantages at iba pang makukuha kung mayroon kayo nitong digital TV receiver.

Samantala, naghahanda na si Richard sa lock-in taping ng series nila ni Heart na I Left My Heart in Sorsogon. Pati nga ang mga dadalhin niya paglipad pa-Sorsogon nakahanda na.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with