_pang-masa
^
Pagdadalamhati, nakaka-mental block

Pagdadalamhati, nakaka-mental block

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

May pagkaloka-loka siguro talaga ako. After na lumabas ang news na patay na si Ricky Lo, tambak ang messages sa akin na nagpaparating ng condolences. Mga tawag na confirming the news, nagtatanong kung ano ang puwedeng itulong. Ako naman, sagot nang sagot.

Feeling ko ako ang biyuda ni Ricky Lo. Para bang enjoy at ipinagmamalaki ko na yes, close ako sa kanya, yes thank you sa pag-condole.

Sure akong nakataas ang kilay ni Ricky habang nangyayari ito dahil hindi naman niya ako ex noh, si Dolor Guevarra, kaya dapat kay Dolor ipinararating ang pakikiramay.

Heh heh, joke joke.

Sure akong natawa rin si Ricky habang binabasa niya itong post ko, kasi ewan ko ba, kahit saksakan ako ng daldalera, sinasabi nila ni Douglas (Quijano) ang secrets nila sa akin. Kaya kilala ko rin ang naging ex ni Douglas, ang greatest love niya, hah hah.

Naku, kailangan talagang i-divert ko ang isip ko sa iba, dahil nagkakaroon ako ng mental block tuwing naiisip ko na ‘yung circle of good friends ko, ‘yung angels ko rito sa lupa, bumalik na sa heaven. Naiwan na ang bad banana na si Lolit na ngayon, bahala na sa buhay niya dahil wala na ang friends niya who watch her back, who is always on her side.

Pero at least, may nauna na sa akin para makiusap sa heaven na huwag akong pabayaan, na bantayan ako, na from above, will always watch me. Ngayon, may bantay na ako sa itaas, promise n’yo iyan, Douglas, Bibsy (Carballo) at Ricky ha.

Or else, ibubuko ko ang blind items tungkol sa inyo, lagot kayo, hah hah, joke joke.

RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with