_pang-masa
^
Ivana, hindi na active ang career
Ivana

Ivana, hindi na active ang career

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

Marami ang nakakapansin na bigla yatang nawala sa sirkulasyon si Ivana Alawi na isa pang ayuda star sa mga nangangailangan.

Wala siyang balak tumakbo sa pulitika, naisipan lang nitong tulungan ang ilang mga nagugutom na mamamayan na mapapanood sa kanyang vlog. Kumalat sa social media ang pagbibigay nito ng tulong kaya naman may mga naalarmang big time people na mukhang natatapakan.

Hinusgahan nila si Ivana ng mga kung anu-anong paratang para itigil ang pamimigay ng tulong.

May mga humaharang daw sa gagawin ng aktres.

Maraming netizens ang nagagalit sa mga taong gumigipit sa mga pangangailangan. Hinahanap nila ngayon si Ivana at umaasang susulpot uli ito para mamigay ng tulong.

Mga balikbayan at bisita galing NCR, iniiwasan muna

May kuwentong COVID kaming narinig sa isang pistahan. Noon daw araw  kapag may mga balikbayan at taga-Maynila na darating tuwing fiesta, tuwang-tuwa at masaya ang mga may-ari ng bahay. Pero nang magkaroon ng COVID attack, tuwing may maririnig na mga balikbayan at taga-Maynila na darating ay agad-agad sinasabing walang handa at walang pistang magaganap na tila takot ang mga ito na mahawa ng mga bisita kung saan may mataas na kaso ng virus.

Kanya-kanyang ingat na lang talaga.

May kuwento ring galit na galit ang mga may-ari ng punenarya sa COVID. Mula nang mauso raw ang COVID, wala na halos bumibili at nagpapagawa ng ataul.

Sinusunog na lang daw kasi ang mga bangkay lalo na kung COVID ang kinamatay ng mga ito.

Aray ko! Ang lupit pakinggan na pati ang mga ito ay apektado rin ang kabuhayan.

IVANA ALAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with