_pang-masa
^
Bong, panay ang pasasalamat sa Agimat
Bong

Bong, panay ang pasasalamat sa Agimat

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

Labis ang pasasalamat ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa Kapuso fans na nagpaabot ng pagbati sa kanya at sa GMA Network, at sa muli niyang pagbabalik-acting sa TV, sa pamamagitan ng action-fantasy drama na Agimat ng Agila. Nakatanggap din kasi ito ng 16.3 percent overnight rating sa world premiere last May 1.

“Nakakataba po ng puso. I am very grateful to our viewers who saw and appreciated the result of our hard work to offer a fresh and quality viewing experience. Nakaka-inspire po lalo, para paghusayin namin ang aming ginagawa at maghatid ng mas maganda at mas mahusay pang programa sa kanila,” pasasalamat ni Bong.

Kaya naman this Saturday, May 8, abangan ang mas exciting scenes ni Major Gabriel Labrador (Bong) sa pag-rescue niya sa agila na may supernatural abilities at ang encounter niya sa mga illegal loggers, at 7:15 p.m. sa GMA 7.

Marian, walang tigil sa pagkayod

Sa kabila ng pandemic na pinagdaraanan natin, hindi tumitigil si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, para sayangin lamang niya ang oras. Naging abala nga siya sa pagtanggap ng orders para sa Flora Vida by Marian, at pagpapa-deliver ng flower arrangements para sa Mother’s Day.

At ngayon, nag-post na si Marian ng bagong dagdag na line sa kanyang @FloraVidabyMa­rian,  #FloraVidaHome: “Flora Vida’s clothing line... Coming... not soon! Still working on it but can’s wait to share this exciting project with all of you!”

Kaya ngayon pa lamang ay marami nang excited na friends and fans ni Marian sa coming soon project niya. 

Sa kabila nito ay hindi rin tumitigil si Marian sa pagti-taping para sa kanyang drama anthology na Tadhana na ang asawang si Dingdong Dantes ang nagdidirek, kaya work from home lamang sila.

Glaiza, may kapehan sa dagat

Ngayong tapos na si Glaiza de Castro sa lock-in taping niya ng coming soon GMA Afternoon Prime drama series na Nagbabagang Luha, ay miss na miss na rin niya ang muling makapag-travel abroad, para madalaw ang boyfriend niyang si David Rainey sa Ireland.

Pero masyado pang mahirap ang pagta-travel ngayon kaya binalikan niya ang sinimulan na niyang project, ang pagtatayo ng isang cafe sa kanila sa Baler, Quezon. “Been working on this project since the start of the year with faith that one day, we will be able to welcome you all here.  We’re slowly trying to complete everything for now and have been fitting out the interior of our cafe.”

May teaser nang lumalabas ang Nagbabagang Luha na nagtatampok kina Glaiza at Rayver Cruz, kasama ang new star na si Claire Castro, daughter ng mag-asawang dating Kapuso stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.  Kasama rin sa cast si Mike Tan.

BONG REVILLA JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with