_pang-masa
^
Malaking kawalan...
Ricky at Lolit

Malaking kawalan...

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 6, 2021 - 12:00am

You know kung mahal ng mundo na ginagalawan mo ang isang tao na namatay, ‘pag halos walang tigil ang telepono mo sa mga inquiry tungkol sa kanya. Buong umaga, walang tigil ang telepono ko kahapon sa mga tawag at message tungkol kay Ricky Lo. Mula sa taga-showbiz, pulitika, beauty world, ordinaryong employees at mga regular na tao, tumatawag.

‘Yung balita tungkol sa kanyang death ang wish mo na sana ay fake news. Dinarasal mo na meron na namang isang gago na nagkalat ng balita na hindi totoo.

Pero hindi, isang katotohanan ito na iniwan na tayo ni Ricky Lo.

Sure ako na malaking kawalan siya sa The Philippine STAR. Sure ako na mami-miss siya ni Papa Miguel Belmonte. Sure ako na isa siyang malaking kawalan sa showbiz.

Pero mahal siya ni God kaya kinuha siya days after his 75th birthday. Nag-enjoy pa siya sa kanyang kaarawan, nabati pa siya ng mga mahal niyang pamangkin at kapatid.

Sobrang close si Ricky sa kanyang pamilya, sobra niyang mahal ang mga pamangkin niya, kaya ‘yung pandemic na nasa loob siya ng bahay na kasama ang mga pamangkin sure ako, na-treasure niya nang mabuti ang memory na iyon.

Sleep tight, Ricky. At least may green card ka, ipagmamalaki mo iyan sa langit, isa iyan sa bucket list mo na laging ipinagmamalaki mo. Dahil inggitera ako, baka mag-wish din ako ng green card para tapatan ang card mo ‘pag nagkita tayo. Pero dahil matanda na ako, hindi na lang green card ang ipapakita ko sa iyo, hah hah, ‘yung card na sabi mo maiinggit ka ‘pag meron ako, Platinum Credit Card. Sayang, hindi natin nakuha bago ka nagpunta sa departure area. Hindi bale, ihahabol ko.

Love you, Ricky, sleep well.

RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with