_pang-masa
^
Ricky Lo, relihiyoso!
Ricky Lo

Ricky Lo, relihiyoso!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 6, 2021 - 12:00am

Huli naming nakausap si Ricky Lo, mga ilang linggo na rin ang nakaraan, nang tawagan niya kami dahil sa isang blind item namin dito sa Pang-Masa, na tinatanong niya kung sino. Humaba ang kuwentuhan namin, kaya sabi ko ibaba na lang niya ang cellphone niya at tatawagan ko siya via messenger.

Ipinaalala pa niya sa amin na two years ago ay isinulat niya kami sa kanyang column. Holy week kasi noon at ang subject niya ay kung papaanong nagpapagaling ang Diyos. Ilang ulit na raw na tuwing pupunta siya sa chapel ni Santo Padre Pio sa Libis, ang nakikita niya ay ang kuwento namin doon. Inilabas nga niya iyon sa kanyang column at sabi niya sa amin, isa raw iyon sa mga paborito niya.

Isa si Ricky sa mga nauna kong kakilala sa showbiz, mas senior sila dahil nagsisimula pa lang ako noon. Nasa dzTM ako na istasyon ng radyo ng Associated Broadcasting ng Manila Times noong araw, ang magkasama naman ay silang dalawa ni Bibsy Carballo sa Variety Magazine. Doon naman sa kabila, sa Taliba, naroroon si Ka Celo Lagmay, Julio Silverio at iba pa.

Kami ang madalas magkakausap dahil ang linya namin ay entertainment. Si Manong Joe, nasa Daily Mirror pero hindi pare-pareho ang oras ng dating noon. Minsan nakakakuwentuhan namin si George Canseco, na noon ay nagtatrabaho rin sa Associated Press na ang base ay nasa third floor ng TVT, o iyong mas lumang building kung saan nandun din ang mga istasyon ng radyo.

Sa mahabang panahon na pagkikilala namin ni Ricky, alam namin na relihiyosong tao iyan. Madasalin. Sinasabi nga niya hindi puwedeng wala siyang rosaryong dala, at kung gusto mong matuwa siya, bigyan mo siya ng religious item.

Naalala namin, tuwang-tuwa siya noong makita niyang dala namin ang isang first class relic ni Santo Padre Pio, at pumayag kaming mahawakan niya iyon.

Binigyan din namin siya ng isang medal relic ni Padre Pio na siyang patron namin, at patron din ng mga may sakit.

Kamakalawa ng hapon, may narinig kaming hindi magandang balita sa kalagayan ni Ricky. Noon lang din namin nalaman na mahigit isang linggo na pala siya sa ospital. Kahapon ng umaga, nagising na lang kami sa balitang wala na siya.

Malungkot pero isang bagay ang nagpapagaan sa aming kalooban, tiyak na nang yumao si Ricky ay sinamahan siya ng Mahal na Birheng Maria dahil sa paulit-ulit niyang sinasabing “ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay.” Requiem aeternam donais Domine, et lux perpetua luceat eis requiescant in pace.

Sanya, sumikat dahil kay Marian?!

Kung hindi kaya nabuntis agad si Kylie Padilla, at tinanggihan ni Marian Rivera ang role ng yaya dahil sa lockdown, sisikat nga kaya nang husto si Sanya Lopez? Hindi mo masasabi, pero iyan ang kanyang kapalaran. Sabi nga sa kanta “kapalaran kung hanapin ‘di matagpuan, at kung minsan lumalapit nang ‘di mo alam.”

Sikat na ngayon si Sanya, bida siya at title role sa highest rating na serye. Hindi lang siya leading lady ni Gabby Concepcion, siya rin ang partner ni Bong Revilla. Noong araw ba iisipin niya iyan eh ang partner lang niya si Rocco Nacino.
Pero kung hindi nabuntis ni Aljur si Kylie at hindi rin tumanggi si Marian sa lock-in taping, sisikat ba nang ganyan si Sanya? Siguro naman sisikat din. Mukhang iyan ang talagang kapalaran ni Shaira Lenn Ro­berto. Nanalo pa iyan sa Reyna ng Aliwan noon sa Star City.

RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with