^

Pang Movies

Showbiz nagluluksa sa pagpanaw ng STAR editor/columnist na si Ricky Lo

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Nagluluksa ngayon ang entertainment industry sa pagpanaw ng veteran and respected entertainment editor and columnist ng The Philippine Star at book author na si Ricky Lo (Ricardo Fua-Lo)  na sumakabilang-buhay sa edad ng 75 noong nakaraang Martes, May 4 ng alas-11 ng gabi dahil sa heart stroke. Siya’y pumanaw sa Metropolitan Medical Center in Manila kung saan siya na-confine sa loob ng dalawang linggo until the time of his death.

Pangatlo sa walong magkakapatid, iniwan ni Ricky ang dalawa niyang mga nakababatang kapatid na sina Susan Lo-Lee at Artemio `Timmy’ Fua-Lo, 12 pamangkin at walong apo sa mga pamangkin.

Ricky was 20 nang yumao ang kanyang amang si Vicente `Chaga’ Lo sa edad na 50 habang ang kanyang inang si Remedios “Meming’ Fua-Lo ay lumisan naman noong October 10, 2002.

Si Ricky ay naging mapagmahal at generous na anak, kapatid at lolo sa mga anak ng kanyang mga pamangkin. Siya na rin halos ang nagpaaral sa kanyang mga kapatid at mga pamangkin.

Ipinanganak sa Las Navas, Northern Samar, si Ricky ay nag-aral ng high school sa Pei Ching School ng Tabaco, Albay kaya bukod sa Waray dialect ay marunong din siyang magsalita ng Bicol, Fukien, Mandarin at fluent sa English language. Nagtapos siya ng AB-English sa University of the East and landed as an entertainment journalist.

Ricky was a sweet, well-loved and well-respected person noong siya’y nabubuhay pa. Sa kabila ng kanyang status, he remained simple and humble. Mapagbiro at mahilig  din siyang mang-okray sa mga taong malalapit sa kanya nang harap-harapan.  He was also a very sensitive person.

Naging isa rin siya noon sa hosts ng now-defunct showbiz-oriented talk show na Startalk ng GMA.

Since pareho kaming Waray-Waray, madali kaming nagkagaanan ng loob at parati kaming nag-uusap nang Waray each time na kami ay nagkikita o maging sa aming pag-uusap sa telepono.

Huli kaming nagkausap ni Ricky noong kaarawan niya noong April 21, 2021 kung saan pa niya ibinida na ka-birthday niya si Queen Elizabeth II.  Among the local celebrities ay ka-birthday din niya sina Luis Manzano, Loisa Andalio, Daria Ramirez, Nadia Montenegro, Direk Antonette Jadaone, Cindy Kurleto, Rommel Adducul at iba pa.

During his confinement, it was only his sister na si Susan at pamangkin na si Jia Lo at close friend and colleague na si Ronald Constantino na kanyang sinabihan sa kanyang pagkaka-hospital pero nakiusap siyang huwag itong sabihin sa iba para hindi umano sila mag-alala.

Sobra nakakabigla ang maagang paglisan ni Ricky dahil kilala naman siya sa pagka-health conscious.  Hindi ito halos lumalabas ng bahay, nag-e-excersise at nagpapaaraw tuwing umaga bukod pa sa conscious din ito sa kanyang kinakain.  The most recent na siya’y lumabas ay nang siya’y magpabakuna noong nakaraang April 13 at ibinida pa niya `yun sa amin.

Tiyak na mami-miss si Ricky hindi lamang ng kanyang pamilya, mga kaanak at mga kaibigan kundi ng napakaraming celebrities na kanyang isinulat at binigyan ng espasyo sa kanyang pahina sa The Philippine Star at sa iba pang diyaryo at magazines na kanyang sinulatan noon.

Ricky was a prolific entertainment writer.

Paalam, Ricky. Maligayang paglalakbay sa kaharian ng Diyos.

vuukle comment

RICKY LO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with