_pang-masa
^
Miles, sinagot ang isyung nabuntis ni Bimby
Miles

Miles, sinagot ang isyung nabuntis ni Bimby

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 6, 2021 - 12:00am

Larawang seryoso at nakataas pa ang kaliwang kilay at may caption na “2021 na... naniniwala ka pa din sa fake news???” ang pinost ni Miles Ocampo sa IG Stories bilang sagot sa ipinakalat na fake news ng isang vlogger na nabuntis siya ni Bimby Aquino.

In fairness, walang naniwala sa fake news na saan ba naman kinuha. Ano ‘yun, pagkatapos ni Joshua, si Bimby naman ang iisyuhang nakabuntis?

Hintayin natin ang reaction ni Kris Aquino sa fake news na ito. Ginagalit talaga si Kris, lumalayo na nga sila ng mga anak, sinusundan pa rin ng intriga at kontrobersya.

Kaya siguro nakagawa ng kuwento ang vlogger tungkol kina Bimby at Miles dahil sa video noong birthday ni Miles kung saan, binigyan siya ng birthday treat nina Kris at Bimby.

Andrea, inulan ng birthday greetings

Natawa kami sa tanong ng isang netizen kung ganu’n na raw ba mag-celebrate ng birthdays ngayon ang mga artista, puro cake lang daw ang handa. Nakita nila ito noong birthday ni Ryan Agoncillo at ngayon, sa birthday naman ni Andrea Torres.

Sabagay, ang importante, kumpleto ang pamilya ng Kapuso aktres. Ikinatuwa rin sigurado ni Andrea ang maraming birthday greetings sa kanya from her friends from showbiz.

Samantala, ang ganda ng appreciation post ni Andrea on her birthday. “THANK YOU. Thank you Lord... For reminding me of how much You love me. So many times I literally felt time stop, my jaw drop, in amazement. The most number of prayers answered. Miracles unfolding one after the other. I cannot praise You enough. Thank you family and friends (who feel like family). You have given me so much of your time, effort and care. I am surrounded by angels. Thank you to each and every one of you. You’re all a big part of this. Everydat I make a list of the things I am grateful for and safe to say... I am bursting. I’ll bring all of this with me.”

Still on Andrea, naurong sa June ang airing ng Legal Wives, ang cultural drama ng GMA na kung saan, isa si Andrea sa tatlong asawa ni Dennis Trillo.

Kili-kili ni AiAi, nilait

Sinagot ni AiAi delas Alas ang netizen na nag-comment na parehong maitim ang kanilang kili-kili at ano raw ba ang tamang gawin para pumuti pareho ang kanilang kili-kili?

Sagot ni AiAi, shadow lang ng camera na ginamit sa pagkuha ng kanyang litrato kaya nagmukhang maitim ang kilikili niya, pero napakaputi ng kanyang kili-kili. Napahiya yata ang netizen at hindi na humirit pa.

Masaya pala si AiAi dahil one year na ang kanilang Martina’s Pastries na habang nagtatagal, dumarami ang naiisip niyang klase ng bread na bini-bake at binebenta.

MILES OCAMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with