^

Actress na sobrang ingat, nag-positive sa swab!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

OMG, nag-positive pala ang isang young actress nang i-swab bago ang kanyang taping.

Kaya nagkaroon daw ng panic moment sa mga nakasama nito sa programa dahil hindi raw nila in-expect na magkakaroon din ito ng virus.

Naka-quarantine na raw ito at dadaan uli sa swab ang lahat ng mga nakasalamuha nitong mga production staff kasama na ang mga make-up artist.

Kaya tigil na naman daw ang taping nila at live show na kasama ang young actress.

Ito ay kahit na nga raw sobra na ang pag-iingat na ginagawa ng production ng isang network.

So airborne na kaya ang virus?

May mga pag-aaral na lumabas na sa medical journal na may consistent evidence na diumano’y nakukuha ito sa pamamagitan ng hangin.

Sa Amerika ito lumabas.

Sana naman hindi totoo ‘yun.

Windang na raw ang nasabing network dahil madalas magkaroon ng hawaan sa mga taping ng kanilang programa.

Kaya ang pinaka-the best pa rin ay mag-ingat at sumunod sa health protocols.

Aiai may bagong baby na pinagkakaabalahan

Ngayong Miyerkules (May 5), makipag-kuwentuhan si Pia Arcangel kay Vida ng Owe My Love ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas.

Paano nga ba si AiAi bilang nanay sa kanyang mga anak sa tunay na buhay?

Magbabahagi rin si AiAi tungkol sa bago niyang pinagkakaabalahang ‘baby’ at pagpaplano para magkaroon pa ng anak!

Ise-share niya rin kay Pia ang kanyang mga hot secret sa kusina.

At dahil nalalapit na ang Mother’s Day, alamin kung ano ang advanced Mother’s Day treat na inihanda ng asawang si Ge­rald Sibayan at kanyang mga anak para kay AiAi.

Mapapanood ang Tunay na Buhay ngayong Miyerkules, 11:30 p.m. pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Probinsyano for real na raw ang pagbabu

Talaga palang malapit nang matapos ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Last cycle na raw ito sa lock-in taping.

Matagal na raw actually ito dapat tinapos, pero naudlot nang naudlot dahil malakas pa rin.

AIAI DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with