^
Pamilya Dantes, laging busy sa loob ng bahay!
Dantes Family

Pamilya Dantes, laging busy sa loob ng bahay!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

Tuwang-tuwa naman ako na parang ang saya-saya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ng mga anak na sina Zia at Ziggy sa kanilang pag-stay sa loob ng bahay habang may pandemic.

Para bang walang dull moment ang pamilya nila, at buong araw meron silang activities na pinagkakaabalahan.

Totoo nga ‘yung basta happy kayo, anywhere at anytime, hindi n’yo mapapansin ang oras. At siguro nga sila Dingdong and family, paggising pa lang, puno na ng happiness ang paligid nila kaya ok lang nasa loob sila ng bahay all this time.

Imagine mo nga na kahit sa bahay nagagawa ni Marian ang kanyang Flora Vida, at si Dingdong naman sa pag-manage ng DingDong PH delivery.

Bongga talaga, normal time o pandemic, walang nasasayang na oras sa pamilya Dantes. They really enjoy ‘yung magkakasama silang lahat.

Mental disturbance, trauma at hatred, dahilan ng krimen

Lahat pala ng tao merong criminal instinct. ‘Yung iba hindi nila malabanan ang instinct na iyon kaya talagang nagiging violent criminals. ‘Yung iba kayang i-control kaya hindi nagiging violent, at nananatiling passive ang personality.

Bongga ‘yung K-drama na Criminal Minds na napanood ko, lahat yata ng klaseng karumal-dumal na krimen nandun na. At iba-ibang sitwasyon kung bakit nagi­ging criminal ang isang tao. Usually, pinakamalaking factor ‘yung mental disturbance, trauma ng bata at hindi malimutang hatred.

Kaya talaga sa buhay, para magaan ka, hindi ka dapat nagtatanim ng galit, hindi ka papayag na ma-stress ka ng mga pangyayari sa paligid mo. Dapat kung nangyari na, kalimutan na. Kung may galit ka, tapusin agad para hindi ka mabigatan.

‘Yung pagtatanim ng galit madalas nakakabigat sa utak na nagiging dahilan pa para hindi maging maayos ang mga desisyon mo.

Life is short, mistakes in life usually happen, there is more to life than having stress or anger, the happier, the better. Criminal Minds, ang ganda niya, Salve, watch mo. Marami kang mapupulot na aral sa buhay.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with