^
KC, pinasalamatan sina Sharon at Gabby sa paglipat ng bahay
KC

KC, pinasalamatan sina Sharon at Gabby sa paglipat ng bahay

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

Nagpasalamat si KC Concepcion sa kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa pagbibigay ng encouragement sa kanyang naging latest decision in life. Ito ay ang lisanin na ang pamumuhay sa condo at maninirahan na siya sa isang bahay.

Ipinost ni KC sa kanyang Instagram page ang screenshot ng text ng kanyang ina na nagsasabing “Wow! Am so proud of you!”

Caption ni KC, “the only words an independent woman will ever need from her mother to keep her going. Rare, and definitely not taken for granted. Love all around.”

Pagkatapos nito ay ipinost din niya ang screenshot naman ng text ni Gabby.

“You got it all figured out,” ang mensahe ni Gabby kay KC. Sinundan pa niya ito ng “that’s my girl.”

Sa caption ni KC ay ipinahayag niyang binigyan siya ng advices ni Gabby sa pagbili ng bahay since licensed broker nga ang ama. “Words of encouragement from papa. Moving from a condo to a house is so intimidating! But I got this... my pops happens to be a licensed real estate broker in California. Grateful to get tons of real estate advice! Thanks for looking out pa!” pahayag ni KC.

Matatandaang not too long ago ay ipinaalam ni KC sa kanyang IG followers na mula sa condo-living ay susubukan naman niya ngayong tumira sa isang bahay.

Kris, makakatrabaho si Kim Chiu!

Mukhang lilipat na nga yata si Kris Bernal sa ABS-CBN. Sa latest Instagram Story kasi ng aktres ay sinabi niyang looking forward siya na makatrabaho si Kim Chiu.

May nagtanong kasi sa kanya kung ano ang masasabi niya tungkol kay Kim at heto ang sagot niya: “I super love Kim Chiu. There’s so much to love about her. I love her energy and being young at heart. Just by watching her vlogs and seeing her posts are enough to say that she’s down to earth and softhearted.

“It will be an honor for me to be given a chance to work with her. She’s actually excellent in everything she does. All praises to this Chinita Princess.”

Hindi kaya may niluluto nang proyekto para sa kanilang dalawa? Just asking.

Matatandaang last year ay hindi na ni-renew si Kris ng GMA 7 at GMA Artist Center. She’s now being handled by Cornerstone Entertainment na identified sa ABS-CBN dahil halos lahat ng talents nito ay Kapamilya stars.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with