^
Ruffa, apektado sa hiwalayan nina Bill at Melinda Gates
Ruffa

Ruffa, apektado sa hiwalayan nina Bill at Melinda Gates

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

Gulantang din si Ruffa Gutierrez sa mga report na hiwalay na ang bilyonaryong si Bill Gates at asawa niyang si Melinda Gates after 27 years ng marriage.

Ipinost pa ni Ruffa sa kanyang Twitter ang official statement ng mag-asawa.

Tanong ni Rufing sa Twitter, “Sa tingin nyo, may forever talaga?”

Hiwalay na si Ruffa sa asawang si Yilmaz Bektas. 

Walang second chance sa kanila kahit magkita silang muli ni Yilmaz ayon sa mga naunang pahayag ng TV host-actress.

Showbiz pantry, tagumpay

Panalung-panalo sa ratings ang unang episode ng weekly serye ni Senator Bong Revilla Jr. na Agimat ng Agila.

Mawawala na ang mga kabog sa dibdib ni Senator Bong ngayong tanggap na tanggap ng manonood ang pagbabalik niya sa telebisyon.

Nakakuha ng mataas na ratings na 16.3% ang first episode ng series ng senador.

Natupad na nga ang pangarap niyang makagawa ng ganitong programa, malaking bonus ang pagtanggap sa programa ng manonood.

Congratulations, Senator Bong and Team Agimat ng Agila.

Samantala, gusto rin naming pasalamatan ang butihing senador sa tulong na ibinigay niya para sa unang showbiz press pantry na ginanap kahapon.

Maraming natuwa at nagpasalamat sa mga natanggap nilang ayuda sa panahon ngayon.

Nais din naming pasalamatan si Rhea Tan ng Beautederm, Congressman Alfred Vargas, ang kapatid niyang si Konsehal PM at siyempre, kina Manay Lolit Solis, Cristy Fermin at nakasama sa pag-aasikaso sa biyayang ito gaya nina Salve Asis at Gorgy Rula.

May your tribe increase!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with