_pang-masa
^
Maja, inaming minalas nang makarelasyon si Gerald
Maja

Maja, inaming minalas nang makarelasyon si Gerald

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

Matapos ang napakatagal na panahon, natawa nga kami sa inamin ni Maja Salvador na bumagsak ang kanyang career noong maging syota niya si Gerald Anderson. “Siya hindi eh, dumami pa nga ang commercial endorsements niya, pero ako wala. Gapang talaga,” sabi ni Maja.

Kung iisipin, matagal na iyon pero hindi niya makalimutan kung papaanong tila minalas ang kanyang career nang maging syota niya si Gerald.

Marami na rin namang naging syota noon si Ge­rald, pero ang mas nagkaroon ng epekto kay Maja ay ang pagiging magkaibigan nila ni Kim Chiu, na unang naging syota ni Gerald nang pumasok siya sa showbiz. Matapos kay Kim Chiu naging syota na niya si Bea Alonzo, na-link din kay Sarah Geronimo, bago niya niligawan si Maja at naging syota nang halos dalawang taon.

Inamin ni Kim noon na “humingi ng permiso sa kanya” si Maja na makikipag-date kay Gerald na dati niyang syota. Ang sagot naman daw ni Kim, hindi na kailangang humingi pa ng permiso sa kanya dahil matagal na rin naman silang wala ni Gerald.

Ilan na nga ba ang naging syota noon bago na­kipag-date kay Maja, pero maraming observers ang nagsabing tumabang din ang pagiging magkaibigan ni Kim at Maja. Tapos noon, walang sabi-sabi, split na rin sina Maja at Gerald. Niligawan namang muli ni Gerald si Bea na nakipagsyota na naman sa kanya sa ikalawang pagkakataon, hanggang sa iwanan nga niya noon nang makasama na si Julia Barretto.

Pero may nagsasabing “history repeats” dahil kung ano ang nangyari kay Maja ay mukhang siya ring nangyayari ngayon kay Julia. Mukhang ang career naman ni Julia ang naiipit ngayon, at lumalabas na ang popularidad pala niya noong araw, nakasalalay sa love team nila ni Joshua Garcia.

Si Joshua ok ang career sa ngayon. Si Gerald naman, dahil siyempre artista siya ng ABS-CBN, mapupuna mo na nagsisimula na sila ng kanilang damage control. Si Julia, hindi kasali roon dahil umalis na siya sa Star Magic at lumipat sa Viva.

Aywan kung ano ang gagawin ng Viva kay Julia, pero sa ngayon parang napakahirap siyang sugalan at saka sinasabi niya na gusto na niyang mag-asawa at magkaroon ng anak next year.

Mga showbiz gay, nabudol ng winner sa male pageant

Kung minsan maiisip mo na mabuti na rin naman na nagiging biktima ng 1-2-3 ang mga bading sa internet.

Naka-chat daw ng isang showbiz gay sa internet ang isang winner ng male pageants. Aywan kung papaano nauwi sa ganoon ang usapan nila, pero pumayag daw ang male personality na papadalhan niya ng kanyang underwear na ginamit sa contest ang bading, pero bago niya gawin iyon, kailangang padalhan muna siya ng P2,000. Nagpadala naman ang excited na bading. Matapos na makuha ng lalaki ang pera sa remittance, naka-block na ang bading at wala na rin ang ginamit noong cellphone number.

Nalaman ng bading na modus pala talaga iyon ng pageant winner. May isa pang showbiz gay na naka-deal din pala noon sa internet, at ang deal nila padadalhan siya ng isang exclusive sex video kung magt-transfer siya noon ng P2,000 din.

Nagpadala ang bading pero walang sex video, blocked na rin siya pagkatapos.

Iyan ang napapala sa kamanyakan.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with