^
Gerald pa-blind item ang sagot kay Maja?!
Gerald

Gerald pa-blind item ang sagot kay Maja?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

Kung sasagot man si Gerald Anderson sa pahayag ni Maja Salvador sa naging epekto sa kanyang career at sa kanyang i­mage ng kanilang relasyon, through cryptic post na lang siguro. Sa paraang ito (cryptic post) nagre-react si Gerald sa mga isyu sa kanya ng ex-GF na si Bea Alonzo.

Sabi kasi ni Maja, “Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro ‘yung mahirap na sa umpisa pero parang andiyan na eh! Alam mo ‘yung ganon? Pero alam mong nag-struggle kami dalawa, individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa ‘yung commercials niya. Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement.”

May mga nakisimpatiya sa pinagdaanan ni Maja sa panahong may relasyon sila ni Gerald, pero may mga nanisi pa rin sa kanya. Dapat daw hindi na niya pinilit kung sa simula pa lang, naramdaman niyang hindi maganda ang magiging takbo ng kanilang relasyon.

In fairness, masaya rin naman si Maja sa boyfriend niyang si Rambo Nuñez at masaya rin si Gerald sa GF niyang si Julia Barretto. At least, everybody’s happy!

Naudlot na show ni Vice, tuloy na ang pag-ere

Matutuloy na pala ang airing ng singing game show na Everybody, Sing! hosted by Vice Ganda at ang nabasa namin, sa June na ang premiere nito.

Kung isusunod sa time slot ng dating show ni Vice sa ABS-CBN, Sunday din ang time slot ng bago niyang show.

Naabutan ng pandemic at pagsasara ng ABS-CBN ang airing nito at one year din natengga bago magdesisyon ang Kapamilya Network na finally, ipalabas na rin.

Naglabas na ng teaser ng Everybody! Sing! at ang alam namin, nakapag-taping na ng ilang episodes.

Mikael at Megan, magho-host ng kantahan

Ang singing competition na Sing for the Hearts ang ipapalit ng GMA 7 sa magtatapos na Centerstage. Ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang hosts ng kakaibang concept ng singing competition na magsisilbi ring matchmaking competition.

Kung paano tatakbo ang singing competition, panoorin simula June 13 na siyang pilot episode nito. Nagpa-audition na ang GMA 7 para rito at sarado na ang audition.

First hosting show ito nina Mikael at Megan at dahil parehong sanay na mag-host at nahasa pa sa kanilang podcast, hindi sila mahihirapang dalhin ang Sing for the Hearts.

MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with