^
Bea nag-ayuda sa frontliners at riders, AlDub nag-community pantry
Bea

Bea nag-ayuda sa frontliners at riders, AlDub nag-community pantry

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

Sa halip na maglagay ng community pantry ang actress na si Bea Alonzo, noong Labor Day, ay minabuti niyang bigyan ng pagpapahalaga ang kanyang house helpers at ilang frontline workers, delivery drivers, who go extra mile to keep them all safe, healthy, in these trying times.

Kasama ni Bea ang kanyang staff, ay naglaro sila ng indoor games, na ang winners ay tumanggap ng P20,000 at P10,000 naman na consolation prizes. Sa halip na magluto for the occasion, nag-order si Bea ng pagkain at sinorpresa naman niya ang delivery riders ng P15,000 each, na alam niyang ikatutuwa nila. May naka-set din siyang table na puno ng chips, biscuits and drinks para sa delivery riders na dumaraan sa tapat ng bahay niya.

At isang fan ni Bea, si Cathy, na madalas siyang binibisita noon sa kanyang tapings, pero isa nang health worker, at humaharap sa high risk dahil sa trabaho niya at nagsasakripisyo para sa ibang tao, sa panahon ng pandemya, P20,000 ang Labor Day gift niya. 

Hindi rin naman nagpahuli ang mga AlDub Nation (ADN) fans nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza na maglagay ng community pantry.  Sa pangangasiwa ng ilang admins ng iba-ibang fan club, kasama ang mga Team Abroad ADN, namigay din sila sa Biñan, at Pagsanjan, Laguna. 

Bukod sa bigas, groceries and toiletries, namigay din sila ng McDo burgers sa mga bata. May mga naka-schedule pa rin silang community pantry sa ibang mahihirap na lugar at sa delivery riders sa mga susunod na araw.

Mayroon din sila sa Sta. Maria, Bulacan na present naman si Nanay Dub (Mary Ann Mendoza).

Agimat… tuloy ang pakiki­paglaban para sa kalikasan

Nagpasalamat ang cast at production staff ng action-fantasy-drama series na Agimat ng Agila sa suportang ibinigay ng televiewers nang mag-world premiere sila last Saturday, May 1. Tumanggap ito ng mataas na rating na 16.3% mula sa Nielsen Phils.. Pinangungunahan ni Ramon “Bong” Revilla, ‘tuloy pa rin ang laban para sa kalikasan, tuwing Saturday evening, 7:15 p.m., sa GMA 7.

Alden, ang daming ginagawa!

Busy na naman ngayon si Alden Richards dahil balik na muli ang Bida Kid competition na Centerstage. Ilang araw nang nagti-taping si Alden dahil nalalapit na ang grand finals ng tatanghaling unang Centerstage champion.

Bukod sa taping for Centerstage, tuloy ang script reading at paghahanda niya at buong production staff para sa susunod niyang teleserye sa GMA Network, ang The World Between Us na makakasama niya sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with