_pang-masa
^
Julia, nagiging nega dahil sa sistema ng relasyon kay Dennis
Julia at Dennis

Julia, nagiging nega dahil sa sistema ng relasyon kay Dennis

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 4, 2021 - 12:00am

Sayang naman ‘yung pagta-try ni Julia Barretto na maging maganda ang image niya kung lagi namang nasa issue sa kanya ‘yung relasyon niya sa father niyang si Dennis Padilla.

Kasi kahit ano pang intriga, ok lang sa isang tao, ang medyo off ‘pag tungkol na sa fa­mily issue. Puwede mong makalaban ang buong mundo, pero dapat ‘pag magulang mo, kakampi mo at kaibigan mo. Saka ilang beses nang inaayos ‘yung kay Dennis at sa mga anak niya kay Marjorie Barretto, sana kahit pa nga hindi sila close, puwedeng speaking terms sila at civil sa isa’t isa.

Hindi mo masisi na magkalayo ang mga loob nila dahil meron na silang mga ibang pamilya, pero sana walang sumbatan. Kanya-kanya na silang buhay, dahil  magkadugo pa rin, mag-ama pa rin.

If I were Marjorie, siya na ang mag-ayos kasi mas affected ang mga anak niya na ngayon ay nasa showbiz na. Buti na lang at si Claudia sa singing yata nalinya kaya hindi gaanong maingay ang publicity, hindi gaya ni Julia na laging nasa news.

Ok lang lahat ng balita kay Julia, huwag lang ‘yung parang nag-aaway sila ng father niya. ‘Yung respeto sa kanyang ama ay huwag niyang alisin. At si Dennis naman, huwag nang lagi ay ‘yung past ang binabanggit, dapat isa rin siya sa mag-ingat para sa image ng kanyang anak.

Sayang kasi kung dahil lang sa family issues nila, hindi marating ni Julia ang height ng career niya. Hindi bale ‘yung issue ng romance, ‘yung anggulo ng tri­angle, kilig-kiligan lang iyon, pero ‘pag issue ng pamilya, parang mas sensitive.

So ceasefire na muna iyang mga sumbatan. Back to work na.

DENNIS PADILLA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with