_pang-masa
^
Sen. Manny, tumulong itaboy ang mga Intsik
Sen. Manny

Sen. Manny, tumulong itaboy ang mga Intsik

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - May 4, 2021 - 12:00am

Hinahangaan si Senator Manny Pacquiao nang sabihin niyang tutulong siyang paalisin ang mga Intsik na naka-standby sa West Philippine Sea.

Isa talaga siyang barako na hindi natatakot sa mga Intsik.

Mabuti naman at may isang senador na malakas ang loob na magsabi nito, ‘di gaya ng iba ng pulos satsat, dada at kuwento lamang na paaalisin ang mga dayuhan sa karagatang pag-aari ni Pilipinas.

Ayuda raw muna... Coco, kinokontra sa pagkandidato

Maugong ang tsikang itutuloy ni Coco Martin ang pagtakbo sa eleksyon 2022 sa labanan sa senado. Tila yata tumatayong godfather na sumasang-ayon si Sen. Lito Lapid.

Sikat na action star si Lito, pero unfortunately hindi na pupuwede sa panahong ito ng taggutom ang mamamayan na basta pogi at sikat ang iboboto ng mga mamamayan. Ibang panahon na ang year 2022 (taon ng eleksyon) kaya’t malabong masundan ni Coco ang naging suwerte ni Lito Lapid.

Saka tumakbo munang mayor at governor ng Pampanga si Lito kaya’t kilalang may kaalaman sa pulitika bago sumabak sa senado.

May sarkastikong komento nga na pupuwedeng suwertehin ang aktor kung sisimulan ni Coco ang misyong magbigay ng ayuda..

Ayuda ang target ng mga mamamayan ngayon dahil sa panahon ng kahirapan.

Iyon ang makakakuha ng atensyon ng mamamayan para mapansin at mapamahal sa publiko.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with