_pang-masa
^
Pagtira sa nursing home, personal choice!
Lolit at Jopay

Pagtira sa nursing home, personal choice!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 3, 2021 - 12:00am

Ang daming nakuhang reaction sa sinulat ko tungkol sa pagpasok ni Jopay Manago na dating talent coordinator ng Wowowin sa nursing home. Marami ang nagpaabot ng mga message sa kanya na naging dahilan para lumakas ang loob niya at ma-feel na mahal siya ng mga naging kaibigan niya.

Personal decision ni Jopay na mag-stay sa nursing home dahil nga nag-iisa lang siya at wala nang ginagawa kaya naman naisip niya na mas mabuting sa isang nursing home na lang mag-stay.

‘Yung relatives niyang nasa ibang bansa nagpaabot din na basta may kailangan siya, tawag lang siya sa phone.

Siguro naman ‘pag araw na puwede siyang dalawin, tiyak na marami pa ring pupunta sa kanya para kumustahin siya.

Sa edad niyang 70 plus baka naman gusto na lang talaga ni Jopay ng mas tahimik na kapaligiran.

Salamat naman dahil sa mga nakabasa ng post at sinulat ko, naging madali ang reaction sa ilang concerns ni Jopay.

At least now mas makakatiyak siya ng mas magandang facility, medical at pag-aalaga sa kanya.

Hay naku, ‘pag ako nasa nursing home, puwede namang lumipas ang araw ko sa marathon watching ko sa iPad ng mga favorite Koreanovela ko. Sure akong hindi ako malulungkot, at dadalhin ko ang phone ko para ‘pag gusto kong kausap ang mga love ko, tatawag lang ako. Sabihin ko sa mga pamangkin ko bayaran ang line, hindi naman bawal phone ‘di bah, saka iPad.

Ah basta, anywhere ako mapunta, titiyakin ko na happy ako, dahil decision ko iyon. Excited na me, ako ang magiging reyna ng nursing home na pipiliin ko.

With me around, they will never be the same again. Promise!!

JOPAY MANAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with