_pang-masa
^
LizQuen, walang balak magtrabaho habang may krisis sa COVID
LizQuen

LizQuen, walang balak magtrabaho habang may krisis sa COVID

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 3, 2021 - 12:00am

Bakit wala yatang project sa kasalukuyan sina Liza Soberano and her boyfriend Enrique Gil.

Before the pandemya pa ang last team-up nilang Make It With You na hindi nga natapos dahil nga sa krisis.

Well, nagtatanong lang.

Pancho, kinikilig din kay Sanya

Kilig to the max daw, Salve A., si Pancho Magno sa supposedly sweet moments nila ni Sanya Lopez sa top series na First Yaya.

Kahit pa raw, if sometimes, katabi niya ang kanyang equally Kapuso niyang misis na si Max Collins.

Supposedly, member si Pancho ng Presidential staff ni Gabby Concepcion, who in First Yaya, plays the president of the Philippines. Pancho is supposedly single raw.

And Gabby is a widower, at ama siya ng tatlong kabataang ‘inaalagaan’ ni Sanya.

In time, matutuklasan ni Pancho na, tulad niya, may gusto rin si Gabby, as President Glenn, sa yaya ng kanyang mga anak.

In real life, do you know na isang professional nurse si Pancho? And that, his mom, si Ma’am Redgie Magno, is the Vice President for drama ng GMA 7.

May isa na silang anak ng asawang si Max.

And guess what?

Nag-serve as nurse siya kay Max nang ipinanganak nito ang kanilang panganay, who will turn one in July.

Back before the cameras soon si Max, na may gagawing series with Rocco Nacino at Carla Abellana.

Richard, handa nang bumiyahe sa Sorsogon…

Wow, Salve A., umabot nga ba sa half million ang nagastos ni Richard Yap nang magka-CO­VID-19 siya?

Wow, paano na ‘yan kung mahirap ka lang? E, it looks like wala pang balak ang pandemya na ‘iwan’ tayo.

Kaya, ingat tayo mga kababayan. Let’s adhere to the health protocols at sabayan natin ng walang humpay na pagdarasal.

Prayers always work wonder.

Of Richard, anytime raw, ready na siya to leave for Sorsogon in Bicol for the shooting ng kanyang first project with Heart Evangelista at Paolo Contis, I Left My Heart in Sorsogon.

Second project itong I Left… ni Richard as a Kapuso, since naging leading man siya ni Eugene Domingo sa isang episode ng Dear Uge.

Aminin man o hindi ni Richard, magaganda at hinangaan ang mga project na ginawa niya as a Kapamilya.

Well, good luck, Richard.

ENRIQUE GIL LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with