^

Pang Movies

Beteranong aktor na miyembro ng Salvador clan, pumanaw din sa COVID

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi napabalita ang pagyao ng isang veteran actor at isa sa miyembro ng Salvador clan sa showbiz, si Jumbo Salvador, nakatatandang kapatid nina Ramon Salvador at Phillip Salvador.

Si Jumbo ay nagka-stroke noong nakaraang April 17 at agad isinugod ng pagamutan. Tulad ng ibang mga pasyente, hindi kaagad na-admit si Jumbo dahil punuan ang mga hospital and he landed in a Marikina hospital. The next day ay nagpositibo ito sa COVID-19.  Dahil sa kum­plikasyon ay binawian ito ng buhay noong 1 a.m. ng April 20.

In 2018 ay sumakabilang-buhay ang isa nilang kapatid, ang veteran acress na si Alona Alegre.

Inamin sa amin ni Kuya Ramon Salvador na 102 umano silang magkakapatid sa father side na iba’t iba ang ina pero close umano silang magkakapatid.

Bukod sa yumaong kapatid nilang actor-director na si Leroy Salvador, yumao na rin ang iba pa nilang mga kapatid na sina Mina Aragon, Ross Rival (father of Maja Salvador and the late Jon Hernandez), Alona Alegre at iba pa.

Noong aktibo pa sa showbiz si Jumbo ay nakagawa ito ng maraming pelikula tulad ng Alakdang Gubat, Cain at Abel, Bato sa Buhangin at iba pa.

Sumakabilang-buhay na rin ang misis ni Jumbo sa Amerika habang ang kaisa-isa nitong anak ay nasa Australia at may sarili nang pamilya.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay.

Sunshine, 25 years naging Kapuso

Kapamilya na ang 37-year-old actress na si Sunshine Dizon matapos siyang maging Kapuso sa loob ng 25 taon since 1996.

Bilang bagong Kapamilya, agad sasabak si Sunshine sa kanyang kauna-unahang TV project sa Kapamilya network produced by Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal.

Tinapos lamang ni Sunshine sa GMA ang teleseryeng Magkaagaw na nagsimula noong October 21, 2019 at nagtapos nito lamang March 31, 2021.  Ito’y tinampukan din nina Sheryl Cruz, Klea Pineda at Jeric Gonzales.

Sa rami ng mga TV drama series na tinampukan at pinagbidahan ni Sunshine, she is best remembered sa mga teleseryeng Ika-6 na Utos, Bakekang, Impostora, La Vendetta at iba pa.

Gina, laking tuwa nang makalabas ng bahay

Natutuwa ang award-winning at veteran actress na si Gina Pareño sa kanyang bagong movie sa bakuran ng Viva Films, ang Kaka, isang sexy-comedy launching movie ng baguhang Cebuana vlogger na si Sunshine Guimary na pinamahalaan ni GB Samped­ro at nakatakdang ipalabas sa Vivamax sa darating na May 28.  Natutuwa siya hindi lamang dahil may bago siyang movie assignment kundi ito lamang daw ang kanyang pagkakataon na makalabas ng bahay kung saan siya `nakakulong’ since the start ng lockdown noong isang taon dahil sa pandemya.

Masyado umanong mahigpit ang kanyang mga anak na sina Raquel at Michael at ayaw siyang palabasin  ng bahay at nauuwaan naman daw niya. “Para nga akong bata na tuwang-tuwa kapag may TV or movie assignment ako dahil pagkakataon ko nang makalabas ng bahay,” natatawa niyang kuwento.

Si Gina ay huling napanood sa pelikulang Tililing also under Viva Films.

PHILLIP SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with