_pang-masa
^
Heart, may laban sa doktor na nagpapanggap
Heart

Heart, may laban sa doktor na nagpapanggap

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 30, 2021 - 12:00am

Ilang araw nang pinag-uusapan ang magandang ilong ni Heart Evangelista. Nagsimula iyon sa isang post na nagsabing excited na siya (netizen) dahil ang kanyang ilong ay aayusin ng doctor na mismong umayos din ng magandang ilong ni Heart. Siyempre marami ang nagtatanong kung sino ba ang doctor na iyon dahil kung totoo ang sinabi niya, maraming magpapagawa ng ilong sa kanya. Sino ba ang hindi nag-aambisyong magkaroon ng ilong na kagaya ni Heart?
Kaso, hindi naman nagpagawa ng ilong si Heart, kaya nagtatanong din siya kung sino ang sinungaling na doctor na iyon at sasampahan niya ng demanda.

Huwag na nating pagtalunan kung nagpaayos nga ng ilong si Heart o hindi, dahil sa natatandaan namin, nang una naming makita si Love Marie Ongpauco, ganyan na ang ilong niya. Siguro naman noong mga panahong iyon walang pang dahilan para pakialaman pa niya ang ilong niya na maganda naman.
Ang pag-usapan natin ay iyong doctor, kung sino man iyon. Labag sa code of ethics ng sino mang doctor na ipagsabi kung sino ang kanyang pasyente, maliban kung iyon ay pumayag na sabihin iyon o endorser niya bilang isang doctor. Kung tutuusin ang endorsement ay laban din sa code of ethics dahil hindi dapat nag-aadvertise ang isang doctor. At nasa Code of Ethics ‘yan ng Philippine Medical Association.
Kausap nga namin ang isang kaibigan namin na napakahusay na dermatologist, at sabi niya sa amin, kung may doctor nga na nagsasabing “ginawa” niya ang ilong ni Heart kahit na hindi, o kung ginawa man niya pero hindi siya binigyan ng blessing ni Heart na sabihin iyon, aba eh nilabag din niya ang code of ethics ng Philippine Dermatological Society, at maging ng Philippine Society of Cosmetic Surgeons at maaari siyang itiwalag ng mga samahang iyon, at kung sasampahan pa siya ng kaso sa Professional Regulations Commission maaari siyang matanggalan ng lisensiya bilang isang doctor. Kung mangyayari ang ganoon, ni ang magreseta ng aspirin o pagsaksak ng Sinovac hindi na niya magagawa dahil hindi na siya doctor.

Kahit na tumiris lang siya ng tigyawat o magpaputok ng pigsa hindi na niya magagawa dahil hindi na siya dermatologist. Pero hindi naman niya naikaila na posibleng may mga doctor talagang lumalabag sa kanilang code of ethics at nakakalusot.
Mayroon pa ngang hindi naman talaga doctor pero nagpapanggap at nag-oopera pa. May alam kaming ganyan, wanted hanggang ngayon, kasi nakamatay pa ng pasyente, iyon kasing diploma gawa lang sa Recto.

Mga Pinoy tuloy sa pangongopya sa k-drama

Halos pantay ang dami ng mga seryeng Pilipino at dami ng seryeng Koreano na inilalabas sa telebisyon. Hindi lang iyan, ang naging hits na seryeng Koreano at maging mga pelikulang Koreano ay inire-remake ng mga Pilipino.

Ano ang ibig sabihin niyan? Talaga bang bagsak na ang creativity ng mga Pilipino kaya kinokopya na lang ang trabaho ng mga Koreano?
Sinasabi nila, maski kano ganyan ang ginagawa. Hindi ba ginawa ng kano ang Korean movie na Sassy Girl? Hindi ba ginaya rin nila ang war picture na Taegukgi? Pero sa pagsasabi niyan, sinasabi na rin natin na kapos na rin siguro ang creativity nila at hindi dahil ginawa ng mga Kano, dapat sundin na rin natin. Mag-isip naman sana kayo.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with