_pang-masa
^

Angel, ayaw na uling mag-ayuda

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - April 30, 2021 - 12:00am

Nakarinig kami ng komento mula sa followers ng civic-minded actress na si Angel Locsin tungkol sa pahayag na hindi na muna ito tutulong sa pamimigay ng ayuda at pagkain sa mga nagugutom na kababayan matapos tumanggap ng sunud-sunod na pang-aalipusta sa  nangyari sa community pantry niya na birthday celebration sana niya.

Ang sigaw ng mga mamamayan, bakit kailangang isakripisyo ng aktres ang pagtulong gayung hindi naman niya ito kasalanan? Unfair naman daw dahil marami ang nadadamay. Kasalanan daw ba ng naging dating Miss Caloocan City noong panahon ni ex-mayor Rey Malonzo ang tumulong at pakainin ang mga nagugutom?

Sana raw huwag totohanin ng aktres ang sinabi niyang iyon.

Well, kung tutuusin, pulos naman satsat at pamimintas lang sa social media ang bashers. Mabuti kung tumutulong sila tulad ng aktres.

May komento nga na may natatapakan si Angel na grupo ng mga taong dapat sana ay gumagawa nito.

Pista sa Baliuag, susunod sa health protocols

Sa May 9 idaraos ang pistang bayan ng Baliuag, Bulacan kasama si Patron Saint San Agustin. May bagong hermano at hermana mayor na mangangasiwa ng gaganaping kapistahan at hindi rin kailangang mag-alala ng mga nagsasabing bawal pang magprusisyon. Bawal magtabi-tabi sa simbahan at bawal ding magtipun-tipon ang mga makikipamista na paulit-ulit pinapaalalahan dahil sa COVID attack.

Si Mayora Sonya Estrella ay matagal nang nagsisilbi sa simbahang Baliuag at sagot nito ang lahat ng problema ng simbahan.

May mga bago ring reverend priest ngayong nalipat sa Baliuag si Lou Salvador Jess de Silva, chairman ng Vicarial Commission Of Youth of Vicariate of St. Agustine Baliuag samantala si Rev. Fr. Narciso S. Sampana ay appointed as the new Episcopal Vicar for the northern district of Malolos.

Salamat po…

Maraming salamat po sa ayudang galing sa Project Kalingap ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors). Malaking tulong po ang natanggap naming halaga sa panahong ito ng paghihirap ng bayang Pilipinas.

Mabibilang po sa daliri ang grupong tumutulong katulad ninyo.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with