_pang-masa
^
Derek/Ellen at Gerald/Julia, tuloy ang paligsahan sa ­kontrobersiya
Derek/Ellen

Derek/Ellen at Gerald/Julia, tuloy ang paligsahan sa ­kontrobersiya

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - April 26, 2021 - 12:00am

Hindi nauubusan ng kuwento sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa social media. Ngayon naman ay tungkol sa kasalan at ang pag-amin ni Derek na siya ang nakipaghiwalay kay Andrea Torres sa pamamagitan lamang ng telepono ang topic nila.

Ang problema lang ay may interesado pa bang malaman kung kelan ang kasal nila?

Tila nagiging mahigpit nilang kalaban sa paramihan ng isyu sina Gerald Anderson and Julia Barretto.

Gaya ng dalawa, hindi rin nauubusan sina Gerald and Julia at palaging may nakahandang topic sa kanilang social media platforms.

Mayor Lani, inuna ang pagtulong noong birthday

Pamilya lamang ni Mayor Lani Mercado ang nakasama niya noong magdiwang siya ng kaarawan.

Sinikap naman ni Sen. Bong Revilla na kahit papaano ay madama ng asawa ang kanyang kaarawan.

Imagine paano raw magiging masaya si Mayor Lani noong birthday kung nagkasunog at natupok ang more than one hundred houses.

Kaya naman, imbes na isipin ang birthday, inuna muna niyang tulungan ang mga nasunugan.

Dasal ang kailangan...

Sinasabing sumpang salot ang umatakeng COVID-19 pero ang nakapagtataka ay maraming maling gawain ang nabago lalo na sa mundo ng showbiz. Binago niya ang kaugalian ng iba na pagiging mapanlait at paninira sa kapwa, pagiging makasarili at pagsisinungaling.

Sa pag-atake ng salot, dapat matutunan ng tao na tulungan ang sarili na labanan ang sumpang sakit at huwag lang mag-focus sa mga namamatay na naging biktima nito.

Bawat radio at TV station, iisa na ang kuwento, pulos COVID at ang araw-araw na pagdagdag sa kaso ng mga tinatamaan nito.

Dasal ang dapat nating gawing sandata, hindi sapat ang paggamit ng alcohol at mga disinfectant para labanan ito.

Showbiz celeb, sunud-sunod ang pagpapakasal

Mukhang iisa ang nagiging final decision ng ilang magkarelasyon sa showbiz ngayong may pandemya, ang humarap sa altar. Mukha kasing matatagalan pa bago maitaboy ang sumpang salot galing China. Wala na nga namang career na haharapin sa tagal ng paghihintay dulot ng COVID.

Ilang mga artista rin ang nagbabalak lumipat sa probinsya at umaayaw na sa Maynila kung saan may malaking bilang ng kaso na tinatamaan ng virus.

Sa rami ng tao, nakakatakot isiping hindi kaya isang araw ay magising tayong may mga nakapilang tao na animo’y mga zombie?

Naku huwag naman po sana.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with