^

Pang Movies

Mga De Venecia, kilala sa pagiging hospitable

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga De Venecia, kilala sa pagiging hospitable
Christopher

Nakakainggit naman ‘yung grupo ni Bernard Cloma na kasama sina Gorgy at Jerry na pumunta sa Manaog para magsimba sa very miraculous Virgin of Manaoag.

Hindi talaga pumayag si Cong. Christopher de Venecia, anak ni Manay Gina na hindi kumain ng lunch sa bahay ng mga De Venecia sa Pangasinan ang grupo nila Bernard. As usual, may pabaong mga bangus, bagoong, cassava biscuits at tablea ang grupo pag-uwi.

Totoong legendary ang pagiging hospitable ng mga De Venecia basta may dumadalaw na taga-Maynila sa Pangasinan. Hindi sila papayag na hindi dumaan sa bahay nila at ipaghanda ng pagkain ang mga dumadalaw.

Siyempre si Bernard nagdasal para sa maagang paggaling niya, at hindi rin pumayag si Chair Rachel Arenas na hindi mag-promise ang group na bumalik para siya naman ng mommy niya si Cong. Baby Arenas ang mag-host sa pagdalaw uli ng grupo.

Ang suwerte talaga ni Bernard sa friends na Asia’s richest kaya naman in comfort siya kahit saan mapunta. Bongga siya. Palagay ko, Salve, ipinagdasal nila tayo sa Virgin of Manaoag kaya every Tuesday bongga ang followers ng Take It… Per Minute, Me Ganun. Kasi nga, talaga namang ipinagawa pa tayo ni Bernard ng PPE ‘di bah, at promise niya talaga na ibibigay na niya ang autograph gloves ni champ Manny Pacquiao kay Lynette para matahimik na ang pagtulog nito ‘pag gumagawa ng mga release ni Speaker Lord Allan, hah hah joke joke.

Sure ako kasama natin si Lynette sa boxing ni champ Manny para siya na ang personal na magpapirma ng gloves, pero promise ni Bernard ay igi-give na niya.

Love ko si Bernard dahil binigyan niya ako ng bangus at bagoong galing kay Cong. Christopher de Venecia. Ang sarap-sarap talaga.

Pagaling ka na, Bernard, noh, para lagare na naman ang rampa mo.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE VENECIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with