_pang-masa
^
Birthday community pantry ni Angel dinumog, senior patay nang ma-heat stroke
Angel

Birthday community pantry ni Angel dinumog, senior patay nang ma-heat stroke

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 24, 2021 - 12:00am

Bongga ngayon sa amin sa Quezon City. Nag-birthday si Angel Locsin kahapon at sa halip na mag-party nagbukas na lamang siya ng isang community pantry sa Don Antonio Heights. Maghapon ang community pantry ni Angel na dinumog ng mga tao.

May nagsasabi naman na hindi lang taong nangangailangan ang nandun kundi fans din, at ang kinuha nila sa pantry ay ginagawa nilang souvenir mula sa kanilang idol na si Angel.

Visible din naman ang aktibong fans ni Angel na may dala rin namang  goods na inilagay sa community pantry. Kaysa nga naman mag-party sila, nakatulong pa ang pantry sa mga nangangailangan.

May nakakalungkot lang na pangyayari, dahil sa tindi ng init, may isang senior citizen na na-heat stroke at  namatay doon mismo sa pilahan. Agad namang inasikaso, kabilang na si Angel pero natuluyan din si Mang Rolando dela Cruz. Siyempre mayroon agad sumisi kay Angel dahil siya ang organizer ng pantry, pero kung iisipin bakit nga ba pumila pa sa kabila ng init ang matanda, na naging dahilan kaya siya na-heat stroke? Hindi kaya sa takot na mamatay naman siya dahil sa gutom dahil walang-wala na eh.

At kung si Angel, kasama ni Anne Curtis ay nagbigay din ng tig-iisang milyon sa mga 5 na LGU na alam nilang lumalaban nang husto sa COVID, kabilang na rin ang Quezon City sa kanilang napiling limang LGU sa buong Pilipinas, aba hindi rin nagpatalo ang asawa ni Anne na si Erwan Heusaff. Marami ang nagulat sa hindi inaasahang pagbibigay niya ng 2,000 dollars para sa Maginhawa community pantry na nakita niyang dinudumog naman ng mga tao.

Dito rin sa amin mismo, ang barangay ay nakipagtulungan sa Basilica Minore de San Pedro Bautista para magtayo rin ng community pantry. Kahit sarado ang simbahan, hindi maaaring talikuran ang katungkulang pakainin ang nagugutom, at may mga tumutulong din naman.

Hindi na mapigil ang sulputan ng mga community pantry, katunayan ng kagandahang loob ng mga Pilipino sa kabila ng katotohanang lahat naman ay naghihirap sa buhay dahil sa pandemya, at napakaraming stars na ang nagtayo ng sarili nilang community pantries. Pinakamaraming community pantries dito sa Quezon City, dahil dito naman nagsimula iyan, at si Mayor Joy (Belmonte), nagpakita ng suporta at pagtatanggol sa mga nais tumulong sa kapwa nang siya mismo nakipag-usap sa PNP na huwag gagawa ng anumang aksiyon laban sa mga gusto lamang tumulong sa nangangailangan.

Julia, handa nang pabuntis kay Gerald

Sinabi na diumano ni Julia Barretto kay Gerald Anderson na sa susunod na taon ay gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya. Nauna riyan sinabi na rin naman niyang gusto na niyang magka-baby. In  effect, sinasabi niya kay Gerald na handa na siya at gusto na niyang magbuntis.

Buntisin naman kaya siya?

Pero mukhang magandang direksiyon iyan. Si Julia naman nakatulong na sa kanyang pamilya at si Gerald nakapaghanda na rin ng kinabukasan. Puwede na sila talagang mag-asawa. At kung ganyan ngang
apektado pa ang kanilang career dahil sa kontrobersiyal nilang relasyon, at siguro ay kailangang magpalipas nang kaunting panahon para makabawi, ok na ring magsimula sila ng kanilang pamilya.

Bernadette, na-COVID din

Confirmed  na nag-positive sa COVID-19 si Bernadette Zambrano, kaya pati ang kanyang co-anchors na sina kabayang Noli de Castro at Henry Omaga Diaz, ay kailangan din munang mag-quarantine.

Iyong kanilang studio ay isinara rin for disinfection at pumalit sa kanila na sina Julius Babao, at Karen Davila sa TV Patrol ng ABS-CBN.

Victor Wood, maraming komplikasyon ang sakit 

Pumanaw kahapon nang umaga ang Jukebox King na si Victor Wood matapos na isugod sa ospital at panatilihin sa ICU noon pang isang araw. Si Victor ay 75.

Dinala siya sa ospital matapos na magreklamong nahihirapan siyang huminga. Isinailalim naman siya diumano sa lahat ng mga posibleng gawin sa ospital, pero pumanaw din dahil sa cardiac arrest kahapon ng umaga.

Kung natatandaan ninyo, ang isa sa mga kinikilalang jukebox queen, si Claire dela Fuente ay pumanaw din dahil sa cardiac arrest, na dala ng anxiety at hypertension matapos na magpositibo sa COVID-19. Sinasabing marami na ring sakit si Victor bago ang pangyayaring iyan.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with