^
Bong, matindi ang paghahanda sa kanyang Agimat...
Bong

Bong, matindi ang paghahanda sa kanyang Agimat...

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 23, 2021 - 12:00am

Nalalapit na ang pagbabalik-telebisyon ni Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kanyang upcoming action-packed family drama series na Agimat ng Agila na mapapanood na simula May 1. 

Gagampanan ni Bong ang karakter ni Major Gabriel Labrador, ang magiting na pinuno ng Task Force Kalikasan na magi­ging bagong tagapagligtas laban sa kasamaan matapos mabiyayaan ng kapangyarihan ng Agimat ng Agila.   

Kuwento ni Bong, matindi ang paghahanda niya para sa kanyang role. “Dahil halos five years akong hindi nakaharap sa camera, and the circumstances behind it, ang ginawa kong mental attitude is para akong nag-uumpisa ulit. Matindi kasi ‘yung parang ring rust ng fighters. Siyempre ayaw natin i-disappoint ang ating mga tagahanga at manonood na matagal naghintay na mapanood tayo ulit,” aniya. 

Sumabak din daw sa physical trai­ning ang aktor para sa serye, “I physically trained for no less than three hours a day for months – weights; running; cardio; muay thai; boxing; at iba pang mixed martial arts. Nag re-train din ako sa weapons para lang bumalik ‘yung muscle memory.”

Samantala, makakasama ni Bong sa programa sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Edgar Allan Guzman, Miggs Cuaderno at Ian Ignacio. May special participation din si Sheryl Cruz. 

Mapapanood ito pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa GMA 7.

May community pantry na rin, Angel may pa-havey sa kanyang Birthday

Naglagay na rin ng sariling community pantry si Angel Locsin sa may lugar ng pag-aari niyang building na magsisilbing birthday blowout niya today.

“Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry here

“Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City

“From 10am-4pm or until supplies last :)

“Anyone is welcome. But please make sure to follow protocols :)

“Salamat po!

“PS

Volunteers have been tested.”                                

 Probinsyano, last 2 cycle na lang

Lalong mahihirapan si Lily (Lorna Tolentino) na tuparin ang pangarap niyang maging presidente ng Pilipinas pagkatapos siyang agawan ng kapangyarihan ni Renato (John Arcilla) na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nauwi sa wala ang pagmamanipula ni Lily sa pekeng presidenteng si Mariano (Rowell Santiago) dahil sa huli ay pinili nitong kumampi kay Renato, ang most wanted na kriminal sa bansa. Dahil sa kanilang kasunduan, naipabasura na rin ang mga kaso laban kay Renato at magsisilbi na itong lider ng bansa nang hindi nalalaman ng taumbayan.

Ngayong hawak na ni Renato ang kapangyarihan, lalaki lamang ang puwersa ng mga kalaban ni Cardo (Coco Martin) dahil kasosyo na rin niya sa trabaho ang isa pang kaaway ni Cardo na si Lito (Richard Gutierrez).

Habang nagtatago naman si Cardo kasama ang bihag niyang si Lia (Jane de Leon), susu­bukin ng Task Force Agila na makalusot sa mga otoridad para hanapin at siguraduhing wala sa panganib ang kanilang lider.

Ahhh. Up to May 9 pa raw ang lock-in nila para sa 7th cycle ng Probinsyano. Diumano ayon sa chika, hanggang 9th cycle na lang sila.

Well, maraming beses nang sinasabing tatapusin na ito pero diumano’y si Coco talaga ang magde-decide kung kailan ba talaga ang ending nito.

BONG REVILLA JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with