^

Mga nakikialam sa pantry, hindi nakalusot!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 23, 2021 - 12:00am

Ang ganda ngang tingnan na maayos na kumukuha ang mga tao ng kailangan nila, at mukha namang nagkaroon ng hiya ‘yung mga nag-iisip na manamantala.

Wala pa akong narinig na nagreklamo na merong gago na kumukuha ng sobra, o ‘yung sobrang gahaman na hakot nang hakot. Ang naririnig mo ay ‘yung mga tao na tuluy-tuloy sa pagdadala ng mga bagay na puwedeng idagdag sa community pantry. Mga hindi nag-iingay na tumutulong. Mga bukas-palad na nagpupunta para magbigay.

Puwede ngang ginagamit ng iba para umepal. Puwede ring merong gustong magpapogi. Hayaan na natin, ang mas mahalaga ay marami ang natutulungan, marami ang nakikinabang at marami ang natutuwa.

Tapos heto nga, biglang may kontrabida, gustong ihinto, o hayan, naloka sa reaction ng tao, kambyo agad. Paano mo ihihinto ang isang bagay na nagbigay ng pag-asa sa marami, nakatulong, at sa panahong ito. Sabi ko nga kahit piso, feeling isang milyon, isang bright spot ang mga community pantry na makikita mo. Parang may nakita kang rainbow ‘pag meron kang community pantry sa iyong lugar. At dahil hindi parang limos, meron ka pa ring konting dignity ‘pag dumaan at dumampot ka ng kailangan mo sa community pantry.

Parang feeling mo, member ka ng community, at isini-share nila sa iyo ang blessing.

Make more community pantry, show them we hold hands together. At ang mga kontrabida na may COVID sa utak, kayo ngayon ang magbigay para gumanda na ang flow ng ideas sa utak n’yo.

Hindi ‘yung mapansin lang, kikilos ng mali. Hayan, hindi lang mukhang bobo, mukhang idiot talaga. Nagulat sila sa lakas ng reaction, naghahanap ng kulay red, eh multi-colored ang kulay ng community pantry, na-color blind tuloy sila.

Nagalit ang mga tao, umatras din sila, kaya sabi ko nga timing. Kung walang pandemic, baka ok pa ‘yang mga drama n’yo, eh pandemic, palpak ang timing.

COMMUNITY PANTRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with