^
Angel huling birthday ngayon na wala pang asawa!
Angel

Angel huling birthday ngayon na wala pang asawa!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 23, 2021 - 12:00am

Of birthday celebrators, Angel Locsin turns exactly 36 today, April 23.

No need to tell you kung sino ang unang bumati kay Angel ng happy birthday.

Her fiancé, Neil Arce, of course, that’s who.

In any case, it looks like raw, last birthday na ito ni Angel bilang dalaga.

Within the year daw, the pandemic notwithstanding, ikakasal ang dalawa.

Dapat nga raw kasi, last year, November 8, ang kasal nila.

But because of the pandemic, they had to postpone it.

But this year, determined na sila to become Mr. and Mrs.

Magaling na singer na bida na sa serye, lutang na nagpaayos

Ask ng marami, Salve A., kung sino raw kaya ang naging beauty “enhancer,” na dati lang kilalang magaling na singer, pero ngayon ay nagbibida na rin sa soap.

Ang laki nga kasi ng pagbabagong naganap sa kanya, as she also lost weight.

Clue: May bago siyang series na mapapanood, primetime, kung saan ang katambal niya ay ang bagong mahusay na leading man.

Jinggoy, nagpasalamat sa mga nagdadasal

Matinding pasasalamat din ang sa tuwina’y namumutawi sa labi ng dating senador na si Jinggoy Estrada, dahil ang walang humpay na dasal daw ng kanilang mga kaibigan, kakilala, bukod sa mga kamag-anak at pamilya, ang dahilan kung bakit, patungo na sa paggaling ang kanyang amang si dating president at Manila mayor Joseph Estrada.

Nailabas na raw ito sa ICU (Intensive Care Unit). Kaya noong nag-turn 84 daw ito last Monday, April 19, nabati nilang magkakapamilya nang personal.

Belated happy birthday pa rin, former President-Mayor Erap.

Thank you…

Sobra akong touched, Salve A., sa totoo lang.

Kaya, allow me to take the privilege, on behalf of the entertainment media, who received each an ayuda of P10,000, yes, P10,000, kung sino man itong tao o grupo behind Project Kalingap, na nagmagandang-loob na magbigay ng financial aid.

At this point in time, when every centavo counts, kumbaga, napakalaking tulong ng ibinigay nilang ayuda.

Kaya, from the bottom of our hearts, salamat po.

Salamat din sa SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), headed by People’s Tonight’s entertainment editor, Ian Fariñas.

Salamat din kay Nestor Cuartero ng Tempo at Manila Bulletin, and who is also a professor at the College of Arts and Letters, UST, na siyang nag-abot ng envelope, containing the amount. Sabay pakiusap ni Nestor, that we thank our donor through our prayers.

No need to tell us, Nestor. We will pray for him. Them.

Mabait talaga si Lord.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with