^

Julia, pinayuhang ‘wag munang magdyowa si Joshua

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 23, 2021 - 12:00am

Pinayuhan pala ni Julia Barretto ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia na huwag munang mag-girlfriend. Ganito raw ngayon ang friendship nilang dalawa.

Ikinuwento ito ni Boy Abunda sa kanyang The Best Talk digital show. Aniya ay nakausap niya si Julia at marami silang napagkuwentuhan kabilang na nga si Joshua. “Sabi niya (Julia), ‘alam mo, tito Boy, ‘yung pagiging magkaibigan namin ni Joshua ngayon is at its best, we’re very, very good friends,’” tsika ng King of Talk.

The funny thing, ayon pa kay Julia, ay siya na ang nagbibigay ng payo ngayon kay Joshua at pinayuhan daw niya ang ex na “Joshua, ‘wag ka muna mag-girlfriend. Mag-concentrate ka sa trabaho mo.”

Ani Kuya Boy, “Because she sees how passionate and how driven Joshua Garcia is as an actor.”

Napag-usapan din daw nila, of course, ang current boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson at ayon sa young actress, the best thing about him is he guides her.

“She’s very happy, obviously, very happy,” kuwento pa ni Kuya Boy.

Jason, nag-sorry sa pagboto kay PRRD

Nagsisisi si Jason Abalos sa pagboto kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinahayag niya ito sa kanyang Twitter account kasabay ng paghingi ng patawad sa sambayanan. “Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pagbabago,” ang tweet ni Jason.

Kasama ng tweet ng aktor ay ang news item ng magkasalungat na pahayag ni PRRD tungkol sa West Philippine Sea noong 2016 na kumakandidato pa lang itong pangulo at ngayong presidente na ito.

Ang statement ni Digong noong 2016 ay “bababa ako at sasakay ng jetski, dala dala ko ang flag ng Filipino at pupunta ako dun sa airport (ng China) tapos itanim ko. I will say, ‘This is ours and do what you want with me.’”

Pero sa huling televised address ng Pangulo ay ito na ang kanyang pahayag: “Even if I go there, I said, with Secretary (Delfin) Lo­renzana, and sail there and ask questions, wala mang mangyari. Sasagutin ka lang, but you know the issue of the West Philippine Sea remains to be a question forever until such time that you know, we can take it back,”

Ogie, makahulugan ang pagbati kay Regine

Sa kanyang birthday greetings para kay Regine Velasquez, ipinahayag ni Ogie Alcasid kung gaano niya kamahal ang misis. “Ngayong araw ay kaarawan ng Mundo (earth day) at kaarawan din ng aking Mundo. Ang mga pagkakataong ito na tayong dalawa ang magkasama lagi ay di ko maipagpalit sapagka’t kahit minsan na tayo ay may munting tampuhan, lalo pag nag uumapaw ang pag-ibig ko sa yo.

“Dasal ko na lagi kang may kapayapaan sa iyong puso at damdamin kahit na ang mga misteryo at tila kaguluhan ng buhay ay kadalasan na nakapanghihina.

“Katatagan ang hiling ko sa Dios para sa yo mahal, sapagka’t marami pa ang maiiambag mo sa ating sining at sa mga mang aawit at musiko na nangangarap na maging tulad mo.

“At sana’y mapanatili mo ang kaligayahang taglay mo lalo pa’t alam mo na ang daan, katotohanan at buhay na walang hanggan ay nanggagaling sa ating Panginoon at tagapagligtas.

“Mahal na mahal kita Regine. Sunod kay Hesus, ikaw ang buhay ko. Happy bday my love,” ang mensahe ni Ogie kay Regine sa Instagram kahapon.

Sa post na ito ay pinatunayan din ni Ogie na kung gaano siya kagaling sa English ay ‘yun din ang husay niya sa Tagalog.

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with