^
Coco, pinayuhang âwag tumakbong senador!
Coco

Coco, pinayuhang ‘wag tumakbong senador!

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - April 23, 2021 - 12:00am

Mukhang totoo ang hula na hindi pa matutuldukan ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano starring Coco Martin.

Kung totoo nga ang balitang tatakbo sa pulitika ang aktor, kung saan nababalitang senado ang pinupuntirya nitong pasukin sana raw ay huwag na muna sa higher position dahil hindi biro ang maging isang senador.

Hindi naman puwedeng takbo lang nang takbo para harapin ang mga kalaban sa pulitika. Nakamaskara ang mga taong gumagala-gala rito, lahat mukhang mabait pero may mga kurakot.

Sana maging mayor o congressman muna siya para mapatunayan niya ang kayang gawin. Sa seryeng Ang Probinsyano, pinatunayan ni Coco na tatakbo siya hangga’t may lupa para hanapin ang kalaban, eh sa pulitika kaya?

Totoo na nga kaya ang pagpasok ng pulitika ni Coco sa 2022?

Ibang artista nagtataas pa ng TF kahit gumagapang na ang industriya

Nalungkot kami sa kuwentong narinig namin na dumaraing na ang ilang movie producers. Bakit naman daw nagtataas pa ng presyo ang ibang artistang kinukuha nila gayung kitang-kita naman na gumagapang ang halos lahat sa hirap sa panahon ng pandemya.

Mabuti nga raw may mga nagpoprodyus pa at nagbibigay ng trabaho sa mga artista. Hindi raw ba alam ng demanding stars na matapos silang kunin at taasan ng presyo, problema pa rin kung kikita ang gagawin nilang pelikula.

Animo’y sumpa ang dumating na wala pang balak buksan ang mga sinehan.

Kawawa talaga ang mga taga-showbiz na nagdurusa kahit tapos na ang Holy Week.

Dapat gumising na ang mga artista na nagtataas pa ng presyo sa katotohang sugal na sa panahon ngayon ang showbiz. Kung magtataas pa sila, baka ikamatay na nang tuluyan ng industriya.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with