^
Dingdong, na-inspire sa mga negosyo ni Marian

Dingdong, na-inspire sa mga negosyo ni Marian

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 23, 2021 - 12:00am

Iba rin ang suporta sa isa’t isa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Proud si Ma­rian anuman ang ginagawa ni Dingdong: “Couldn’t be more proud of you as you launch your latest venture, @dingdong.ph! May you continue to inspire everyone around you. Congratulations Mahal Ko. Love you! #YouRingItWeBringIt.”

Inspiration naman daw ni Dingdong ang asawa: “Thank you love, for being my inspiration and my rock.  Excited for things ahead para sa iyong baby na @floravidabymarian at sa @dingdong.ph. Hanggang sa larangang ito...magpartner tayo.”

Happy naman ang netizens at fans nila, congratula­ting them for ‘being super hardworking couple.’

Buboy, sumipa sa 1-M subs sa YT

Presented kay Kapuso comedian-actor Buboy Villar mula sa YouTube, ang Gold Creator Award for passing 1,000,000 subscribers sa kanyang vlog na #ParesParaSaWalangKapares. Labis ang pasasalamat ni Buboy sa lahat ng kanyang mga subscribers: “Mula sa 1-1M sa puso ko sobrang laking pasasalamat sa mga sumuporta kundi dahil sa mga kaibigan at mga taong naniwala sa akin hindi ko mararating ito at of course kay Lord God!.  Salamat sa journey na binigay Mo, salamat at inilagay Nyo rin ako dito para magpasaya sa mga tao para sa Inyo rin po ito.”

Tumanggap ng maraming pagbati si Buboy mula sa mga kapwa Kapuso niya, gaya nina Ruru Madrid, at Rocco Nacino na kasama ni Buboy sa kanilang romantic-comedy series na Owe My Love na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng I Can See You: The Lookout.

Pamilya ni Alden, buo na uli!

Thankful si Pambansang Bae Alden Richards na muling nabuo ang kanyang pamilya last week, nang dumating ang kanyang Kuya RD (Richard Daniel) Faulkerson, kasama ang Tita Joan nila, sister ni Daddy Bae, mula sa San Francisco, California. Kung hindi nagkaroon ng pandemic last year, naka-schedule sana ang buong pamilya na sa South Korea mag-Christmas holidays, pero hindi nga nangyari dahil mahigpit ang pagta-travel. Hindi rin nila puwedeng isama ang Lolo Danny at Lola Linda nila dahil sa kanilang age.

Kaya enjoy ang magkakapatid, RD, Alden, Riza at ang bunso nilang si Angel na nag-bonding kahit doon lamang sa kanilang bahay sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna. Sayang nga lamang dahil kailangan ding mag-quarantine ng ilang araw sina RD at Tita Joan nila, as per requirement ng government sa mga dumarating mula sa ibang bansa, bago sila nagkita-kita. Nagkataon pang MECQ na nang dumating sila.

Pinagkakaabalahan ni Alden ngayon ang TVC shoot ng isa niyang endorsement at ang script reading nila via Zoom, bilang paghahanda para sa teleserye nila sa GMA Network, ang The World Between Us na muli nilang pagtatambalan ni Jasmine Curtis-Smith, kasama si Tom Rodriguez.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with