^

Pang Movies

Julia, handang talikuran ang showbiz para kay Gerald!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Julia, handang talikuran ang showbiz para kay Gerald!
Gerald at Julia

Ang ganda ng usapan nina ­Gerald Anderson at Julia Barretto sa vlog ni ­Gerald kung saan, napag-usapan o tinanong ni Gerald ang GF kung ano ang “5 to 10 year plan?” Ang ganda rin ng sagot ni Julia na by that time, umaasa siyang matutupad ang pangarap to build her own family.

Sa nasabi ring usapan, “anytime” ang sagot ni Julia sa tanong ni Gerald kung willing ba siyang talikuran ang showbiz. Hindi lang malinaw ang tanong ni Gerald kung bakit iiwan ni Julia ang showbiz, mas lalo sigurong kinilig ang fans ng dalawa kung tinukoy ng aktor na handa bang iwan ni Julia ang showbiz for him.

Anyway, pinag-usapan din nila ang future, pero may netizens na hindi pa rin makapag-move on sa breakup nina Gerald at Bea Alonzo at Julia at Joshua Garcia. Comment nila, hindi magiging masaya ang relasyong nabuo dahil sa infidelity.

May mga nainis pa kay Julia sa sagot na hindi siya kumakain ng street food gaya ng isaw, kwek kwek at hindi pa raw natikman ang suman. Tanong nila, foreigner ba si Julia para hindi pa makatikim ng suman at street food? May nag-akusa pa kay Julia na feeling mayaman dahil lang doon.

Marami rin naman ang nagtanggol kay Julia, eh kung talagang hindi pa siya nakakakain ng street food, ano ang mali roon, kesa naman magsinungaling siya. Kilala raw niya ang kwek kwek, hindi pa lang siya nakakatikim. Gawin kayang project ni Gerald na pakainin ng isaw, kwek kwek, adidas at suman si Julia.

Raymond, na-COVID din

Pinost ni Raymond Bagatsing ang result ng kanyang RT-PCR test na nakasulat na COVID positive siya. Pero, two weeks ago pa ‘yun and by now, maayos na siguro ang kondisyon ng aktor at magaling na siya.

Walang ibang caption si Raymond sa kanyang post kundi “2 weeks ago. 14 days to be exact. #CovidChallenge.”

Marami ang nagpadala ng get well messages kay Raymond, pinayuhan siyang magpalakas at magpagaling at may mga nagdasal pa for his complete healing.

Alice, aprubado si Claire

Malapit na siguro ang airing ng Afternoon Prime ng GMA 7 na Nagbabagang Luha dahil panay pa ang pagpapakita ng teaser nito. Kasama sa cast si Claire Castro na gaganap na sister ni Glaiza de Castro at aagaw sa asawa niyang si Rayver Cruz.

Pag-uusapan si Claire sa drama series dahil palaban sa kissing scene at pagbe-bare ng boobs at katawan. Checking on her Instagram, parang lahat ng pinost na photos ay labas ang boobs, hindi lang cleavage, kundi boobs.

May larawan si Claire na nipple na lang ang natatakpan, kaya tanong ng netizens, kailangan daw ba lahat ng photos niya, magpapakita siya ng boobs?

Anyway, aprubado kay Alice Dixson ang pagganap sa role at karakter ni Cielo Ignacio, karakter na ginampanan ni Alice sa movie version ng Nagbabagang Luha. Lalo na roon sa iconic scene nina Alice at Lorna Tolentino na sa TV adaptation, gagampanan nina Claire at Glaiza de Castro.

Regine at Ogie, nag-second honeymoon

Birthday ni Regine Velasquez kahapon (April 22) at isang very touching birthday message ang birthday greetings ni Ogie Alcasid sa asawa na 51 years old na. Sabi ni Ogie, isinabay sa birthday ni Regine ang kanilang second honeymoon na hindi sinabi kung saan sila pumunta.

Mahaba ang birthday message ni Ogie kay Regine, ang tumatak sa amin, Mundo ang tawag niya kay Regine at sinundan pa ng “Sunod kay Hesus, ikaw ang buhay ko. Happy bday my love.”

Sa kanyang Instagram, pinost ni Regine ang birthday gifts na natanggap, maraming flowers at food. Ang dami ring food sa bakasyon nila ni Ogie na inamin ni Regine , kinain niya lahat dahil birthday naman daw niya.

Ang pinaka-espesyal na birthday gift na natanggap ni Regine ay ang bigay ng anak na kung tawagin niya ay Boo. Nakalagay sa bag na may pangalan ni Regine sa labas ang gift ng anak na naglalaman ng chocolates at spread yata ‘yun. Ang sweet!

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with