^
Bukod kay Sunshine...Lovi, siguradong magiging Kapamilya na?!
Lovi

Bukod kay Sunshine...Lovi, siguradong magiging Kapamilya na?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 21, 2021 - 12:00am

Aside from Sunshine Dizon, definite na rin diumano ang paglipat ni Lovi Poe sa Kapamilya network.

Ayon sa source ng no. 1 digital talk show na Take It... Per Minute, Me Ganun!, hindi na rin nagkaroon ng renewal of contract kay Lovi na ok na ok daw naman sa actress.

At ang unang project daw ng mahusay na actress, ang Doctor Foster na magkakaroon ng Pinoy adaptation.

Sikat na British drama series ang Doctor Foster na una nang ipinalabas ng ABS-CBN ang South Korean adaptation nitong The World of the Married sa Kapamilya Channel noong Hunyo 2020 kasunod ng pagkilalang nakuha nito bilang highest-rating South Korean cable TV drama sa kasaysayan.

Ang Pinoy remake ng Doctor Foster ang una para sa isang scripted British series pagkatapos pumatok sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kakaibang kuwento nito ng pagtataksil at paghihiganti.

Ang Pilipinas ang ikaanim na bansang gagawa ng sarili nitong bersyon ng Doctor Foster pagkatapos ng South Korea, India (Out of Love), Russia Tell Me the Truth, Turkey (Sada­katsiz) at France (Infidéle).

Ang original British series naman ay isinulat ni Mike Bartlett para sa BBC One sa produksyon ng Drama Republic.

Aside from Lovi, bibida rin diumano si Jodi Sta. Maria.

Ang intense ng kuwento nito base sa Korean version na talaga namang pinanood ng maraming Pinoy.

Actually, bagay kay Lovi ang role na kabit.

Abangan...

Nauna nang nakumpirma na nakalatag na ang gagawing teleserye ni Sunshine sa Kapamilya network with Paulo Avelino and Janine Gutierrez.

Bea Binene inayawan na rin ng Kapuso

Speaking of Kapuso, tuluyan na rin palang pinakawalan ng GMA 7 si Bea Binene. Nasangkot noon ang pangalan ni Bea kay Atty. Ferdie Topacio at sa isang radio DJ.

Ginawa rin naman ang lahat ng GMA para kay Bea, pero parang ayun nga, hindi na naka-take off masyado ang career niya.

Julie Anne  relate sa character  niya sa Heartful Café

May pagkakatulad daw si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa kanyang karakter sa upcoming Kapuso romantic-comedy series na Heartful Café.

Tampok sa serye ang fresh team-up nina Julie Anne at ng Kapuso heartthrob na si David Licauco.

Iikot ang kuwento ng Heartful Café kay Heart Fulgencio (Julie Anne), isang hopeless romantic at online romance novelist na may-ari ng coffee shop.

Dadating sa kanyang buhay si Ace Nobleza (David), ang businessman na tutulong kay Heart upang maisalba ang naluluging coffee shop.

Kuwento ni Julie Anne, marami raw silang pagkakatulad ng kanyang karakter, “Si Heart at si Julie, parehong masayahing tao. Gusto nila na may napapasayang tao. Hardworking at serious sa craft. Heartful Cafe is a romcom so nakakatuwa ‘yung character ko dito. Easy-going lang siya. Naa-apply ko ‘yung kakulitan ko dito na not everybody knows po.”

Kakaiba rin daw ang pag-arte niya bilang si Heart sa pagkanta o hosting, “Acting as Heart is different from singing or hosting kasi on stage dapat eksakto sa kailangan sa iyo. Sa Heartful Café, mas kenkoy at mas natural, mas okay.”

Samantala, makakasama rin nina Julie Anne at David sa Heartful Café sina EA Guzman, Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Ayra Mariano at Victor Anastacio.

Mapapanood ito starting April 26, weeknights pagkatapos ng First Yaya, sa GMA Network at GMA Heart of Asia.

SUNSHINE DIZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with