^

Mga artistang nangba-bluff, hindi na uso!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 21, 2021 - 12:00am

Wow, Salve, balitang may mga artista na hindi na iri-renew ang contract, at kukunin na lang ng management ‘pag kailangan ang service nila.

Malaking bagay talaga ang nangyaring pagkawala ng franchise ng ABS-CBN dahil na-open sa lahat na hindi talaga ang stars ang hinahabol ng vie­wers. At nakita rin ang malaking difference ng bluffing noon na ganito at ganyan ang bayad sa isang talent.

Na-discover nga na ang sarap pala ng buhay ng talents ng GMA 7 dahil marami sa stars nito ang may guaranteed contract, at malaki ang nawawala sa pagbabayad ng shortfall dahil sa guarantee. Nabisto rin na mas malaki ang talent fee ng stars ng GMA 7, at iyon na nga, mala­ king advantage para sa kanila ang guaranteed contract.

So now, na medyo panahon na para sa renewal, at heto na ang bluffing session na naman, kaya medyo disappointed yata ang ibang artista na ang mga hinihingi nila para sa bagong contract ay hindi ibinigay ng management, kaya hayun, open field na naman.

Andiyan na naman ang mga press release na may alok sa kabila, kukunin sa kabila, mas malaki ang TF sa ibang istasyon.

Goodluck, dahil this time, hindi na believable ang mga ganyang drama. Mas malaking TF, wow pandemic noh, price cut ang uso, maraming show ang ibibigay, walang franchise noh, nabulag nga si Papa Albee Benitez ng Brightlight Productions sa mga eklay na TF, akala kaya nang magdala ng programa ‘yung mga lumipat na star.

So, aalis sa GMA 7 at may alok sa ABS-CBN at TV5, ok lang, good luck, at good riddance.

Basta tandaan, ‘pag kailangan ka, lahat ng gusto mo ay ibibigay, ‘pag medyo hindi ka na hot, madali ka nang pawalan. Pag-renew ng contract at hindi na kinakagat ang demands mo, medyo mag-isip ka na.

Sliding beauty na ang sarili mo. Iyan ang harsh reality ng buhay na tatanggapin mo sa showbiz.

Nothing and no one is indispensable. Lahat puwedeng umalis at palitan. Kahit gaano ka pa kasikat, meron laging papalit sa iyo. Bawal nang mag-bluff, reality bites na ang uso.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with