^
Nikki, nakabalik na sa trabaho!
Nikki

Nikki, nakabalik na sa trabaho!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 21, 2021 - 12:00am

Back to work na si Nikki Valdez pagkatapos nilang gumaling sa COVID ng kanyang asawa. Sa post ng aktres sa Instagram, sabi nito, “First day back at work after recovering from COVID was a bit of a struggle- mixed feelings of happiness, excitement, nervousness and anxiousness. Nevertheless, I am thankful to see everyone today. We had our own share of stories to tell.

“My body is extra tired but my heart is filled with gratitude for this day and all the people I am surrounded with. Indeed, there is always something to be thankful for.”

Pinost din ni Nikki noong sabay silang nagka-COVID at in-update niya ang kanyang followers sa daily struggle nilang mag-asawa para sila’y gumaling. Pinasalamatan ni Nikki ang mom niyang si Norma na walang takot nag-alaga sa kanila habang may suot na PPE.

Mga Sang’gre, may reunion sa Kapamilya!

Tama ang sinabi ng manager ni Sunshine Dizon na si Perry Lansigan sa kanyang IG Live na “Alam n’yo, kapag fan o gusto o sinusuportahan n’yo ang isang artista, dapat kung nasaan siya, kung ano ang gusto niyang gawin, dapat susuportahan pa rin. Kasi, ‘yung artista naman talaga ang sinusuportahan o iniidolo.”

Pahayag ito ni Perry sa mga nagtatanong kung totoong wala na sa GMA Network si Sunshine at sa teleserye ni Janine Gutierrez sa ABS-CBN na siya sunod na mapapanood.

May fans kasi na fans ng network at kapag lumipat na sa ibang network ang talent, super bina-bash o ‘di kaya, in-unfollow sa social media. Hindi nila alam ang rason kung bakit kinakailangang lumipat. Sa kaso ni Sunshine, single mom siya at may dalawang anak, kailangan niyang magtrabaho.

Wala pang binabanggit si Sunshine sa paglipat niya sa ABS-CBN, wala pa siyang pino-post sa Instagram at ang naka-post pa lang ay ang birthday celebration ng eldest niyang si Doreen.

Kapag nagsimula na sigurong mag-taping sa tele­serye si Sunshine, saka ito magpo-post. Kasama rin pala sa cast ng teleserye nina Janine at Paulo Avelino sina Lotlot de Leon at Cherry Pie Picache.

Ngayong nasa ABS-CBN na si Sunshine, puwede na uli silang magsama-sama sa teleserye nina Iza Calzado at Karylle. Freelancer si Diana Zubiri at lumabas na rin sa ABS-CBN, kaya puwedeng-puwede silang mag-reu­nion ng mga Sang’gre ng Encantadia sa Kapamilya Network.

Paul, naiilang kaeksena ang tiyuhin

Third day na this Wednesday ng I Can See You: The Lookout kung saan, kasama sa cast si Paul Salas na gumaganap sa role na anak nina Christopher de Leon at Marina Benipayo. Kasama rin sa cast ang uncle ni Paul na si Arthur Solinap at nabanggit ni Paul na nailang sila pareho ng tito niya.

“Marami kaming eksenang dalawa at isang karangalan sa akin na makasama siya. Masaya ako, pero kinabahan at ganu’n din ang nararamdaman ko ‘pag sina tito Dingdong (Dantes) at tito Carlo (Gonzales) ang kaeksena ko. Hindi ako makatingin kay tito Arthur,” paliwanag ni Paul.

Kase-celebrate lang pala ni Paul ng 23rd birthday at sa kanyang kaarawan, sabay na inilabas ang sexy photos niya ng Bench Body. Thankful daw siya na ni-renew ng Bench Body ang kontrata niya kahit nawala siya sa kondisyon. Nag-crash diet daw siya bago ang kanyang pictorial, kaya maganda pa ring lumabas ang photos.

Sharon may sakit, alaga sa pagkain ni Juday

Nagpasalamat si Sharon Cuneta kay Judy Ann Santos sa pagpapadala sa kanya ng pagkain at ginagawa ito ni Judy Ann, para lumakas at gumaling agad si Sharon na nagkasakit.

Chicken curry, champorado, arroz caldo at iba pang paboritong pagkain ni Sharon ang niluto ni Judy Ann at ipinapadala sa condo niya. Alaga rin daw siyang i-text ni Judy Ann at nag-FaceTime pa sila.

“Iba si Juday sa puso at buhay ko. Hanggang kabilang buhay magkasama at magdadamayan kami. I love you with all my heart, sis. Thank you so much for taking good care of me,” sabi pa ni Sharon.

NIKKI VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with