^
Jasmine, hanga sa ugali ni Alden
Jasmine

Jasmine, hanga sa ugali ni Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 21, 2021 - 12:00am

Thankful si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith, na sa kabila ng pandemic na pinagdaraanan natin ay may bago siyang teleseryeng gagawin sa GMA Network, ang The World Between Us na muli nilang pagtatambalan ni Pambansang Bae Alden Richards.  Isa ito sa 100 new shows ng network na gagawin this year.

Bale pang-third time na itong pagsasama nina Alden at Jasmine sa isang project, una ang Imagine You & Me with Maine Mendoza. Sinundan ito ng first episode ng drama anthology na I Can See You: Love on the Balcony na ipinalabas na sa Netflix Philippines at ni-replay din ng GMA last Holy Thursday. “I’m happy that despite the pandemic, I continue to get assignment and be busy,” sabi ni Jasmine. “Last year, tinapos ko rin muna ang lock-in taping namin ng Descendants of the Sun. Hindi ko pa alam kung kailan magsisimula ang lock-in taping namin ni Alden, one of the nicest guys in showbiz and it’s always a joy to be working with a fine actor like him.”

Balitang this May magsisimula ang lock-in taping ng The World Between Us na at kasama rin nila si Tom Rodriguez.

Cassy dalawa agad ang ‘suitor’

Ano kaya ang magiging feeling ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ngayong may dalawang guys nang mukhang close na sa anak nilang si Cassy? Unang nabalita si Darren Espanto, pero dahil hindi sila magkasama sa network, mas close si Cassy kay JD Domagoso, na kapwa niya Kapuso at katambal sa romantic-comedy primetime series na First Yaya.

Sa serye ay parang aso’t puso ang character nina Cassy at JD, pero off-camera, pareho silang enjoy magtrabaho dahil nauna na silang magkasama sa All-Out Sundays. Masayahin ang panganay ni Manila Mayor Isko Moreno, at biro niya, payag daw siyang maging ‘yayo’ ni Cassy, “para lagi ko siyang kasama, para ako na ang gagawa ng pagkain niya, gigising sa kanya, para lagi akong nakabantay sa kanya.”

Seriously, masaya raw si JD sa first teleserye niya at natutuwa siya kapag may nagsasabing bagay sila ni Cassy sa First Yaya na npapanood pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

Lock-in nina Heart at Richard, apektado ng Bising

Muling hindi natuloy ang lock-in taping ng I Left My Heart In Sorsogon. Pare-pareho nang prepared sina Heart Evangelista at ang dalawang lea­ding men niya na sina Richard Yap at Paolo Contis, nang muling dumami ang kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar ng bansa. Hindi lamang iyon, dumating din ang Typhoon Bising na napuruhan na naman ang Bicol Region.

“Excited na sana akong muling umarte,” biro ni Heart. “Three years ago pa iyong last serye ko, My Korean Jagiya. Inihanda ko na rin ang lahat ng mga outfits and accessories na gagamitin ko para sa taping. Even iyong mga dati kong damit na kailangan sa story, nai-ready ko na rin para dalhin sa lock-in taping namin.”

JASMINE CURTIS-SMITH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with