^
Sharon, nasa hitsura na may problema
Sharon

Sharon, nasa hitsura na may problema

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

Tanong lang, Salve A.: Ano kaya ang mala­king problema ni Sharon Cuneta, as she doesn’t only sound helpless, but looks it, too.

Hayan at inamin niyang pati pananampa­lataya niya kay Lord, yes, the one up above, ay kinu-question niya.

Someone na nakasama niya during the filming of her movie, Revirginized, said, wala naman daw siyang napansing problema ng Megastar, noong nagsu-shooting ito.

Ganundin ang mga kasamahan niya sa programang Your Face Sounds Familiar, as two weeks na siyang hindi napapanood as one of the three top jurors (the two others are Ogie Alcasid at Gary Valenciano), yes, ng show.

Hayan tuloy, at hindi pa niya nababati ang bagong kasal, si Luis Manzano, who hosts YFSF.

Luis is now married to Jessy Mendiola.

Tanong muli: Alam kaya ni Senator Kiko (Pangi­linan) kung ano ang problema ng kanyang misis?

Cassy at Joaquin, napapansin na!

No doubt that the new loveteam to watch are the tandem nina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso.

Agaw-pansin na sila sa well-followed series na First Yaya, where Cassy plays supposedly the eldest among the three children ng widower na presidente ng Pilipinas, na ang pumapel naman ay si Gabby Concepcion.

Portraying the title role, of course, is 24-year old Sanya Lopez.

Cassy, as is common knowledge, of course, is one of the twin (the other si Mavy) nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Joaquin’s dad naman is Manila Mayor Isko Moreno.

Both are 20 years old at parehong sa magagandang schools nag-aaral.

Lantaran na kay Federico...

Legal na bang hiwalay sina Harlene Bautista at fellow former child actor-husband, Romnick Sarmenta?

She now refers to Federico Moreno, adopted son of the late German Moreno, as her new love.

Harlene and Romnick were married for 19 years. They officially separated in 2018.

The ex-couple swear walang third party na naging cause ng kanilang paghihiwalay.

Before her marriage to Romnick, Harlene was linked to Rico Gutierrez, director of the show, The Boobay and Tekla Show, aired Sundays on GMA 7.

They have a son.

Kapapanganak lang ng bagong pag-ibig ni Romnick, si Barbara Ruaro, herself in showbiz.

Federico was formerly married to a younger sister ng aktres na si Vina Morales.

Kapuso, tambak ang mga bagong programa

Grabe, as in tunay na grabe, if true, na 100 new shows na posibleng madagdagan pa raw, ang inihandang ipalabas ng GMA 7, starting this year.

And all of them stars most of their hinahangaang Kapuso talents.

Well, let’s not name names first. Although, may mga kinauukulang press release nang ipinalabas ang network, announcing the titles of the program at mga artistang gaganap.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with