^
Sunshine, hindi ni-renew ng GMA
Sunshine

Sunshine, hindi ni-renew ng GMA

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

Natapos na ang kontrata ni Sunshine Dizon sa GMA Network.

At hindi na ni-renew ang kontrata ni Shine sa network. ‘Yun ang dahilan. Management call kumbaga.

Nabigyan naman ng magagandang breaks sa Kapuso Network ang aktres at isa na rito ang pinalalabas pa ring rewind ng series na Ika-6 Na Utos.

Ganito rin ang naging kapalaran ng isang Kapuso actress nang mag-expire ang kontrata niya kaya lumipat sa Kapamilya network.

So walang isyung dapat pag-usapan pa, huh!

Regal, may regalo sa Araw ng mga Nanay

Tuloy pa rin ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment ngayong Mayo.

Handog ng Regal ang pelikulang Mommy Issues na magkakaroon ng worldwide streaming sa Mayo 7.

Bida sa movie sina Pokwang, Jerome Ponce, Ryan Bang, Sue Ramirez at Gloria Diaz. Mula ito sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Kahit pandemic pa rin ngayon, gustong pasayahin ng Regal ang mga nanay na bihira na nating bigyan ng atensyon dahil sa problemang dala ng COVID-19!

SUNSHINE DIZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with