_pang-masa
^

Balita tungkol sa ayuda mas pinag-iinteresan

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

Ano ba iyan, hindi na nauubusan ng balita tungkol kina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Bawat kilos ng dalawa ay palaging nasa social media. Walang duda na binabantayan pa rin talaga ng marami bukod sa followers nila ay pati ang bashers ay nakaabang sa bawat galaw nila.

Teka, may mga nagtatanong kung may interesado pa raw bang makaalam tungkol sa relasyon ng dalawa?

Sa hirap ng buhay ngayon, ang balita tungkol sa ayuda ang mas gustong marinig ng marami kesa sa relasyon ng dalawa.

Suwerte…

Nakakaaliw ang teleseryeng First Yaya kung saan tampok sina Gabby Concepcion, Sanya Lopez at Pilar Pilapil.

Magbabalik-tanaw tiyak ang nakakapanood nito sa pamosong The Sound of Music ng Von Trapp family starring Julie Andrews.

Anyway, magandang break ito para kay Sanya na bilang isang newcomer ay pinagkatiwalaan ng lead role.

Tampok din ang beauty queen na si Maxine Medina na pinupuri sa pagiging kontrabida sa serye.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with