^
Sanya, jackpot sa pandemic
Sanya

Sanya, jackpot sa pandemic

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

Ganda naman ng pandemic year kay Sanya Lopez. Maganda ang mga project na dumating sa kanya, at maganda ang tanggap sa kanya ng followers.

Mataas ang rating ng First Yaya, at isa ring potential rater ang Agimat ng Agila.

Para sa isang baguhan na tulad ni Sanya na maging partner sina Bong Revilla at Gabby Concepcion, hindi lang ito masasabing magandang break, suwerte pa.

Mahal na mahal din siya ng Artists Center ng GMA dahil hindi nagbago ang ugali at nanatiling mabait at professional.

Masasabing Sanya’s year ang 2020 at 2021, pandemic para sa iba, pero naging good year para sa kanya.

Keep it up, at least may bagong frontliner na leading lady ang Kapuso, at talaga sigurong para sa kanya ang posisyon dahil biglang dumating ang hindi inaasahang suwerte nang hindi magawa ni Marian Rivera ang project. Talagang pag kapalaran mo, hahanapin ka. 

Bonding nina Bossing at Talitha, ibang level na

Ang ganda-ganda talagang tingnan ang bonding ng mag-amang Vic Sotto at Talitha.

Hindi mo aakalain na makikipaglaro ng ganun si Bossing Vic sa kanyang anak na si Tali na kitang-kitang very close sa father at mother niyang si Pauleen Luna.

Talagang eye-opener sa lahat iyon nakikitang playtime ng pamilya, na para bang kahit silang tatlo lang, puwedeng mag-enjoy.

Iba’t ibang play ang kanilang ginagawa, meron sa swimming pool, meron sa mga musical instrument, etc. Kaya naman bata pa si Talitha parang ang dami nang alam.

At sa ganitong bonding, imposible na hindi hanap-hanapin ito ni Talitha habang lumalaki.

Mabuti na lang at MECQ at kung minsan may lockdown, kaya 24 hours na kasama niya ang parents niya.

But for sure, kahit after the pandemic, ganito pa rin sila ka close dahil parang breather din kila Vic at Pauleen ang pakikipaglaro kay Talitha. Family time talaga ang strong ties ng mga Sotto.

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with