^
Erap, 84 na!
Joseph Estrada

Erap, 84 na!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

Former President cum Manila Joseph Estrada turns 84 bukas, April 19, his birthday.

Dalangin ng mga nagmamahal at malalapit sa kanya na for a birthday gift, tuluyan na siyang gumaling sa kasalukuyang findings ng kanyang attending physician, na nagkaroon siya ng infection sa baga, kaya, kinailangan niyang ibalik sa ICU (Intensive Care Unit).

But he is, definitely, free na raw, ayon sa kanyang panganay na si former Senator Jinggoy Estrada from COVID-19.

Susog pa ni former Senator Jinggoy: “Kaya huwag pa rin po nating tantanan ang pagdasal na tuluyan siyang gumaling. Let’s all wish him, too, happy birthday.”

Kim, may regalo sa sarili

Thirty first birthday naman today, April 19 din ni Kim Chiu, whose personal gift to herself ay makapagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Hindi niya binanggit kung anong kurso ang kanyang kukunin, pero, malamang na may kinalaman ito sa entrepreneurship, dahil balak daw nila ng boyfriend na si Xian Lim, ang magnegosyo later.

Kim remains one of the hosts ng kinaaaliwang panoorin ng regular audience ng It’s Showtime. “Very natural kasi siya,” they say. “At sincere sa kanyang ginagawa.”

Khalil, pangarap maging movie at TV director

Contract talent dati ng ABS-CBN si Khalil Ramos. Kapuso naman si Gabbi Garcia, now his girlfriend.

In any case, guess who introduced them to each other in 2015? Yes, that long.

Si Kathryn Bernardo, fellow Kapamilya ni Khalil.

The occasion: 18th birthday ni Julia Barretto.

Now, of course, as we all know, isang Kapuso na rin si Khalil.

And he and Gabbi are in the upcoming romance-mystery mini-series, Love You Stranger.

For those of you who doesn’t know it nga pala, Khalil is a singer, too.

He composes songs din, at ang dream niya is to later become a movie and TV director, too.

Sen. Bong at Gabby, hiraman kay Sanya!

Excited to the max na si Senator Bong Revilla sa pagsisimulang isahimpapawid ngayong May ng kanyang action series na Agimat ng Agila, where, for the first time, makakapareha niya si Sanya Lopez.

Once a week lang daw ang showing ng Agimat…, susog ni Sen. Bong, kaya okay na raw if Sanya continues with her other series, First Yaya, with Gabby Concepcion.

Pawang batikang artista ang kasama ni Sen. Bong sa Agimat…, some of whom are Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon at Elizabeth Oropesa.

Special participation daw si Sheryl Cruz. Ganundin din si Michelle Dee, Miss World Philippines 2019.

Michelle, likewise, is the daughter of Melanie Marquez, first Filipina to win the Miss International title in 1979.

JOSEPH ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with