^

K na-torture sa virus

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 18, 2021 - 12:00am

Nagka-Covid din si K Brosas at mild symptoms lang ang naranasan pero iba pa rin ang mental torture o tawag niya ay praning feels. Nakaranas siya ng stress at dumagdag pa raw ang ECQ.

Nag-isolate si K ng 17 days, mabuti raw at sanay siyang mag-isa. Ang pasalamat lang ni K, wala siyang trabaho at walang taping kaya walang nasagasaang schedule. Isa pang ipinagpasalamat ni K, sila lang ng assistant niya ang nagka-Covid at negative ang anak niya na kasama nila sa bahay at ang kanyang driver.

Magaling na si K at ang kanyang assistant at payo nito sa lahat, mag-iingat para hindi magkakasakit.

Boyet, humugot ng energy sa mga bata

Bukas pa lang (April 19) ang simula ng airing ng I Can See You: The Lookout at mapapanood hanggang Apr. 23, pero may next project na agad sa GMA-7 si Christopher de Leon. Nabanggit ng aktor sa mediacon ng mini-series na may gagawin siyang teleserye, na isa sa maraming naka-line up na new shows ng network.

Anyway, ginagampanan ni Boyet ang role ni Dr. Robert Penuliar sa The Lookout, ama nina Paul Salas at Elijah Alejo. Marami sa cast ang mga bata, kaya ang tanong sa aktor ay kung ano ang experience niya working with the young cast?

“I get my energy from them. They are energetic, very inspiring  at sa age nila, professional na. They are always prepared at alam ang lines nila pati ang susunod na eksena. They’re into their character at kapag tapos na ang eksena, balik na sila sa pagiging masaya,” sagot ni Boyet.

Dahil naka-experience na ng lock-in taping, hindi na nahirapan si Boyet sa lock-in taping nila.

Ken, tinupad ang wish ng ina

Marami ang pumuri kay Ken Chan dahil tinupad ang wish ng mom niya 10 years ago na bilhan siya ng red car ng anak. Nagbibiro lang ang mom ni Ken, pero hindi ‘yun nakalimutan ng aktor at nang makaluwag-luwag, tinupad ang wish ng ina.

Naalala pa ni Ken ang sinabi ng mom niya na “Anak kapag naging successful ka sa career mo bigyan mo ako ng pulang kotse ah.”

Mabait ngang anak si Ken, a few years ago, nagka-cancer ang ama niya at walang reklamo na ipinagamot siya ni Ken hanggang gumaling. Ngayon naman, ang ina ang binigyan ng regalo, kaya naman tuloy ang dating ng blessings sa aktor .

 

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with