^

Pang Movies

‘Di naranasan sa ­sariling anak… Derek, hands on kay Elias

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
�Di naranasan sa ­sariling anak� Derek, hands on kay Elias
Ellen at Elias

Very close ang actor na si Derek Ramsay sa two-year-old son ng kanyang fiancé na si Ellen Adarna sa actor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto lalo pa’t araw-araw na niya itong kasama.

Although kapisan din ni Derek ang kanyang 17-year-old son na si Austin sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly, hindi niya ito nakasama at nasubaybayan since birth until he was about 14 dahil nasa poder ito ng kanyang ina sa Dubai.

Kitang-kita kay Derek ang pagiging magiliw kay Elias bagay na ikinatutuwa ni Ellen. Pero hindi naman daw ito nangangahulugan na inaagawan na ni Derek ng papel bilang ama ang biological father nitong si John Lloyd.

Ayon na rin mismo kay Ellen, John Lloyd is a present father kay Elias na hindi naman nagpapabaya ng kanyang obligasyon bilang ama sa bata habang si Derek ay mananatiling uncle or tito ni Elias.

JM, gusto munang magkabahay!

Kahit magli-limang taon nang walang bagong karelasyon ang Kapamilya actor na si JM de Guzman, hindi naman daw ito nangangahulugan na takot na siyang pumasok sa bagong relasyon. Gusto umano niya mabuong muli ang kanyang pagkatao bago siya mag-commit sa bagong karelasyon.

Hindi man binanggit ni JM ang pangalan ng kanyang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola (na misis na ngayon ng actor-host na si Luis Manzano), dito siya nasaktan ng husto nang sila’y magkahiwalay ng dalawang beses.

Pangako naman ni JM sa kanyang sarili na gusto muna niyang mag-focus sa pagkakaroon ng sariling bahay bago siya muling makipagrelasyon.

 

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with