^

Pang Movies

Alessandra, binasag na ang bashers!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alessandra, binasag na ang bashers!
Alessandra

Basag na kay Alessandra de Rossi ang kanyang mga basher na feeling niya ay nakiki-ride lang.

“Katotohanan? Na tinawag mo akong laos, sinagot kita, at napunta ka sa news, dahil lang sa akin ... So nonstop mo na ako tinuweet about anything, para sagutin ulit kita? Masakit kainin ang words noh? Abonado pa ako sayo. That’s why you got blocked. Dahil user ka at di ako enabler,” buwelta ng actress na mas piniling maging jobless habang may pandemic.

Maraming ini-isyu kay Alessandra dahil nga sa mga comment niya kaya inaakusahan siyang buryong na ang utak at onti lang ang laman ng bank account kaya ganun.

“Anong kinalaman ng bank account ko, sa araw araw kong nakikitang parang massacre ng mga kababayan ko?!! Tapos ano?! Dedma? Keri lang? Kasi buhay naman ako? Wala akong sasabihin? I care. Hindi ko na sadya yun. Ganun ako eh!”

Isa nga si Alessandra sa madalas kuyugin ng bashers everytime na may commentary sa mga nangyayari sa ating paligid ngayong malala pa rin ang health crisis ng ating bayan.

Erap, hindi stable ang BP dahil sa lung infection

Binalik sa ICU si former President / Mayor Joseph Estrada kahapon. Nakitaan daw ito ng lung infection na naging dahilan ng pag-fluctuate ng blood pressure nito. 

Sa last post ni former Sen. Jinggoy Estrada sinabi nitong :

“We wish to announce that my father had a slight set back last night as his doctors found a super imposed bacterial lung infection.

“He has been brought back to the regular ICU (non covid) for monitoring and support of his blood pressure which fluctuated due to the said infection.

“But overall, he is stable with high flow oxygen support.

“Once again, we ask for your prayers for his immediate recovery and also to all those infected with covid19.”

Dinagsa naman agad ng maraming kaibigan at followers ni Erap ang nasabing post ni Jinggoy na siyang nagde-decide ngayon para sa kanilang pamilya.

vuukle comment

ALESSANDRA DE ROSSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with