^

Pang Movies

Brightlight, napaso sa pagbabayad ng malaking TF

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Brightlight, napaso sa pagbabayad ng malaking TF
Albee

Marami mga kumakalat na balita tungkol sa mga artista na gustong lumipat, lilipat, kinukuha at inaalok. Malakas din ang mga kumakalat na balita tungkol sa mas mataas na presyo, mga staggering talent fee (TF) na sinasabing dahilan kung bakit lilipat ang isang artista.

Sa panahon ngayon, parang ang hirap paniwalaan na may magbabayad ng ganun kalaking TF. Walang movie houses, mahirap ang taping at shooting condition, paano ka babawi sa puhunan? Mas totoo pa nga ang balita tungkol sa restructuring ng mga kontrata, iyon ngayon ang hindi na uso, ang guaranteed contract, dahil nga sa kondisyon, malulugi ka for sure sa shortfall.

Saka nang magsara ang ABS-CBN maraming lumitaw na balita tungkol sa tunay at totoo na TF na tinatanggap ng bawat talents. Lumabas pa ngang ang laki pala ng guaranteed contracts na tinatanggap ng mga taga-GMA 7, at nakita ang malaking kawalan dahil nga sa laki ng binabayarang shortfall dahil sa guaranteed contract. Kaya ‘yung mga bluff na ginagawa dati na may alok na ganitong presyo ang kabila, na ganito ang TF sa istasyon, na buking at hindi na puwedeng gawin ngayon.

Now either tanggapin mo ito, or kung ayaw mo, ok lang.

Nakita rin na puwede pala at gusto ng manonood ang replay, kaya heto, ‘pag wala pang bago, replay muna. Wala na ngayon ‘yung bargaining power na puwede kang magmalaki, dahil ang dami mong puwedeng puntahan para magtrabaho.

Now alam mo na kokonti lang ang options, at puwede ring kung ano ang avai­lable tinatanggap na rin ng viewers.

Doon nga napaso ang Brightlight Productions, ‘yung pagbabayad nila ng malaki sa mga tao na akala nila madaling kakagatin ng manonood, hindi pala.

Doon din na-shatter ang ilusyon ng stars na sila talaga ang sinusundan ng followers, dahil nakita rin nila na malaki ang loyalty ng tao sa TV stations, ‘yung meron talagang ABS-CBN ang gusto, at meron namang ang loyalty ay nasa GMA.

Talagang third choice lang ang TV5, kahit nandun pa ang malalaking stars.

So now, reality bites para sa lahat, no more eklayan na kasi ang laki ng offer, ang taas ng TF, ngayon, suwerte mo na may alok, na may project. Wala nang eklayan pa, ‘pag gustong panoorin, watch ang tao, ‘pag ayaw nila, wah rating.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with