^

Pang Movies

K-actor mukhang bata kahit 40 na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
K-actor mukhang bata kahit 40 na!
Lee Joon-gi

Excited ako sa birthday ng isa sa favorite Korean actor ko na si Lee Joon-gi.

Kasi nga, 40 years old na siya ngayon pero dahil lean at maliit ang built tulad ni Ate Vilma Santos, may pagka-baby face pa rin si Lee Joon-gi.

Amazed talaga ako sa kanya, dahil bukod sa mahusay siyang dramatic actor, singer at dancer din siya. ‘Yung nakikita ko na interaction niya sa fans, mukhang ang bait niyang tao, playful at parang laging happy.

May pagka-joker din siya kaya laging nakatawa ang mga kasamahan niya. Saka siguro very professional siya dahil wala akong nababasang intriga sa kanya. At marami siyang alam na language ha.

Bongga talaga siya kaya na-curious ako sa kanya. At kahit nga ang number 1 ko pa rin si Jo In-sung, parang second ko na si Lee Joon-gi.

Ang ganda ng filmography niya, ang ganda ng mga ginawa niyang serye at movies.

Saka iyon na nga, dancer at singer pa siya. Talagang hahanapin namin siya ni Aries sa Korea, Salve, habang sina Rose at Vinia ay nasa isang Lee, si Seung-gi , hah hah tatlo na kaming Mrs. Lee, hah hah.

Kailangan sa pandemya...

Sabi ni Mayette, Salve, na mag-i-sponsor daw ang Calcium Cee at Barley sa Take It… Per Minute Me Ganun.

Kaya mahal ko si Mayette dahil supportive siya sa programa natin, at talagang nanonood siya every Tuesday tulad din ni Vanni Patillas ng IVI Met na tuwang-tuwa tuwing nanonood ng TIPMMG.

Sa panahon ngayon, talagang ang kailangan natin ay vitamins na panlaban sa virus at pampalakas ng immune system natin. Ganyan ang epekto ng Barley at Calcium Cee sa katawan natin. Immunity booster sila kaya nga tingnan mo ang ganda ng katawan ni Jessy Mendiola, at dahil collagen drinker sina Pauleen Luna at Gardo Versoza, nakita mo rin ang energy nila kung gaano kataas.

Mga pampalakas ng immune system, kailangan lalo na sa pandemya.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with